Samara’s POV Ginamit ni Melecio ang phone ko para ma-detect kung nasaang lugar si Ryder ngayong gabi. Thank, God, naabutan namin itong patalon na sa sikat na malaking tulay sa Sta. Menda Bridge. Hinila siya bigla ni Melecio kaya kapwa silang nabuwal sa may simento. Pumipiglas pa ito kaya sinampal ko na siya para mahimasmasan. Nang gawin ko ‘yun ay napayakap na lang ito bigla sa akin. Nagkaroon pa ng sugat sa dalawang siko si Melecio dahil sa pagbuwal nila. Napagdesiyonan namin ni Melecio na isama na lang muna siya sa bahay para doon na makapagpahinga. Kailangan namin siyang bantayan para hindi siya makatakas. Baka kasi ituloy pa rin niya ang pagpapakamatay. Habang nasa biyahe kami ay nag-text message na ako kay Sanya at Danica na kung maaari ay linisin nila ang isang bakanteng bedroom s