Samara’s POV Pagdating ni Melecio ay agad ko siyang tinulungan sa pagbubuhat ng mga stock namin. Nang tignan ko ang itsura niya ay parang iba ang timpla ng mukha nito. Malata, malalim ang mata, hindi kumikibo at parang seryoso. “Ayos ka lang ba, Melecio?” tanong ko sa kaniya. “Oo, bakit mo naman natanong?” “Ang pale kasi ng itsura mo,” sagot ko habang buhat-buhat ko ang isang kahon ng flavor ng milktea. “Ah, gutom kasi ako. Simula kaninang umaga ay hindi pa kasi ako kumakain. Hindi ko na nakuhang kumain pa dahil sa pagmamadali kong umalis.” “Naku, tamang-tama pala, nagluto kasi ako ng fried rice. May tocino at itlog din na ulam. Kakatapos ko lang magluto. Alam ko’ng hindi mo makukuha pang kumain dahil sa sobra kang busy, kaya naghanda na agad ako nang makakain mo,” sabi ko kaya hum