One Last Chance-7

1056 Words
One Last Chance-7 "Ikaw, Sofia ikaw!" bigkas n'ya at tumayo, nilapitan ang babae sabay buklas ng buhok nito. "Ikaw! Walang hiya ka Sofia, ikaw pa! Ha! Ikaw pa! Ikaw pa!" galit n'yang habang sinasabunutan Ito. "Ano ba! Kitchie! Masakit! Aray ko! Kitchie tama na, tama na!" sambit pa ng dalaga habang nginungudngud s'ya ni Kitchie sa kama. Pilit naman hinihiwalay ng binata ang mahihigpit na mga kamay ni Kitchie mula sa pagkakahawak nito sa buhok ni Sofia. Nag sitanggalan at putulan na ang buhok ni Sofia dahil sa hindi mapigil na galit ng kanyang dating nobya. Malakas na binaklas ng binata si Kitchie palayo kay Sofia at niyakap ng binata ang babae, tinikap nitong muli ang tuwalyang nahuhubad na mula rito. Sa pagkakabuklas ni Richard sa kanya ay parang pinino-pino ang kanyang puso, bakit parang si Sofia pa ang kinakampihan nito at hindi s'ya. Bakit parang s'ya ang masama, sa mga titig ng binata sa kanya ay parang s'ya pa ang may mali, bakit parang s'ya pa ang may kasalanan. "Ri-Richard, mas kinakampihan mo pa ang babaeng 'yan kaysa sakin!? Ako na girlfriend mo!?" sabi n'ya rito, pero tila walang naririnig ang binata at mas nag alala pa ito kay Sofia. "Are you alright Sofia?" ani ng binata in sweet tune. Habang pinagmamasdan ni Kitchie ang kilos ng kanyang nobyo ay parang kinukurot ang kanyang puso, bakit ganoon na lamang ang kinikilos nito, bakit hindi ito sa kanya nag aalala. Bakit sa iba ito nakahawak ngayon imbes na sa kanya. Tinitigan s'ya ng binata ng napakasama, at sa titig na 'yon ay para s'yang pinapatay, mga titig na pinagtatabuyan s'ya. "Umalis ka na Kitchie!" singhal pa nito sa kanya. Parang punyal ang mga katagang 'yon sa kanyang puso, para rin itong isang matapang na likido na unti unti s'yang tinutunaw. "Bakit ako ang aalis Richard, kung may aalis dito ay hindi ako kundi ang kalaguyo mo!" sagot n'ya rito habang napupuno na ng mga luha ang kanyang mga mata, kay sakit na imbes na magpaliwanag ay pinapalayas pa s'ya nito. "I think we need to talk Kitchie,and I think I have to remind you something," tugon ng binata at hinayaang makapagbihis si Sofia at sinamahan pa n'ya ito palabas ng condo building. At si Kitchie naman ay parang lutang na kaluluwa dahil sa napakalayo ng kanyang iniisip habang hinihintay ang pagbalik ni Richard sa silid. Agad na tumayo ang dalaga ng may nagbubukas na ng pinto, batid n'yang si Richard na 'yon. "Bakit mo ako niloko Richard!? Bakit si Sofia pa, bakit ang pinsan ko pa!? Bakit s'ya pa!? Bakit mo ako niloko!?" aniya sabay sampal sa binata. Ngumiti lang si Richard sa sampal na ginawa ng dalaga, pinahid pa n'ya ang kanyang labi gamit ang kanyang hinlalaki. "Niloko? Kitchie, walang nanloko sa'yo. Bakit s'ya pa? Ofcourse, I'm free to choose anyone, kahit sinong gusto kong angkinin. Kahit sinong gusto kong maka talik at gamitin. This is my life! At wag na huwag kang umasta na parang may karapatan ka pa sa akin, remember Kitchie, pinagbawalan mo na akong pumunta sa building mo. Bawal na akong makita ka, paulit-ulit mo akong tinangihan sa apat na paghingi ko ng oo mo, na magpakasal tayo. Pero ano ang isinagot mo sa akin? Na hindi ako ang tamang tao para sa'yo diba! Sa hindi mo ako makita sa hinaharap mo! Sa bukas mo, sa buhay mo! Kitchie! Your break my heart! You broke my life! You killed me!" sambit ni Richard sa garalgal at nagluluhang mga mata. "Kitchie, mahal kita, pero iniwan mo na ako," dugtong pa n'ya rito. "Ayaw mo na salon, paulit-ulit mo akong inayawan, paulit -ulit mo akong sinasaktan pero okay lang! Hanggang sa tuluyan mo na akong iniwan at kinalimutan! Bawat araw hinihintay kong bumalik ka, pero ano? Wala ka! Kitchie, pagod na akong maghintay, at tama ka. Baka hindi nga ako ang taong para sa'yo, dahil alam mo. Pagod na akong maging sa'yo," sambit ni Richard at sabay pang tumulo ang kanilang mga luha. Niyakap ng dalaga ang kanyang nobyo, ngayon lang n'ya napagtanto kung paano n'ya i-tinatrato ang kanyang nobyo, ngayon lang n'ya napag isip-isip kung paano n'ya ito sinaktan at dinurog. Niyakap n'ya at ng sobrang higpit ngunit pilit s'yang kinakalas ng binata, pero pilit pa rin n'yang hinihigpitan ang kanyang yakap rito. "I'm sorry… I'm sorry baby," aniya at pilit paring hinihigpitan ang kanyang yakap. " I'm sorry… let's start again please, I'm sorry, I promise na magiging mabuting girlfriend na ako, hindi na kita sasaktan, hindi na kita tatanggihan, hindi ba kita iiwan, pangako hindi mo na mararamdaman ang mga 'yon" sambit n'ya habang nagmamakaawa ang kanyang puso na maibabalik pa n'ya ang lalaking nagmahal sa kanya ng lubusan. " We can't start again, Kitchie, we can't be the same. You can't fix me, I'm sorry, kaya mas mabuting hindi na tayo magkita," bigkas pa nito sabay kalas ng mga kamay ni Kitchie at lumabas ito ng pintuan. Nanlulumong umiiyak ang dalaga sa kwarto ng binata, walang pinagkaiba ang kanyang kalagayan noon at sa ngayon. Umiiyak s'ya ngayon sa opisina ng binata begging Richard to come back. Ibang iba na si Richard ngayon, may poot na sa puso nito na kahit sino man ay hindi na magagawang pagaanin pa ng kahit sino man, sa loob ng dalawang taon ay lagi nalang s'yang parang espiya sa bawat nangyayari sa buhay ng binata, hanggang sa nagka girlfriend rin ito na si Mara Salvador. Malapit ng ikasal si Mara Salvador at Richard noon, pero biglang hindi natuloy dahil mas pinili ni Mara Salvador na balikan ang asawa nitong si Dominic Montefalco. And now, Kitchie is back again para ipanalo ang lalaking dati ng naging sa kanya. Wala paring pinagbago, pinagtatabuyan na naman s'ya ni Richard. Pero hindi s'ya susuko, s'ya ang nalugmok sa binata sa poot kaya s'ya rin mismo ang aahon rito. Gagawin n'ya ang lahat na mahalin s'ya nitong muli kahit na wala s'yang pagasang nakikita. At ngayon ay secretary s'ya ng kanyang dating nobyo, iniwan n'ya ang kanyang katungkulan sa kanyang kumpanya bilang CEO at ibinalik n'ya muna ang pangangalaga rito sa kamay ng kanyang ama, sa ngayon. Ang puso n'ya muna ang kanyang uunahin, wala s'yang pakialam kung paulit-ulit s'ya nitong ipagtabuyan, basta't ang para sa kanya ay gagawin n'ya ang lahat, mahalin lang s'ya nitong muli.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD