SHERA Quarter to 8 pm na nang magpaalam ako sa mga magulang ko at kay kuya na makipagkita kay tito Lauro. Bukas pa naman ng umaga ang discharge ni mama. Lahat kami dito pansamantalang matutulog sa room ni mama ngayong gabi at sa hotel na kami tutuloy pagkadischarge n'ya dito. Naroon na kasi ang mga gamit namin sa pag-alis ng bansa. Ibebenta kasi namin ang bahay, si tito Arman na ang bahala doon. Buti na lang hindi dumalaw si Lawrence ngayon, hula ko na sinadya ni tito Lauro na ipa-overtime ito sa trabaho para makapag-usap kami. Siguradong alam rin ni tito ang routine namin ni Lawrence. Puno ng tension ang katawan ko. I'm nervous. 'Di ko alam kung ano ang magiging kalabasan ng pag-uusap namin ni tito Lauro. This better be good. Hope both me and Lawrence can benefit on his fathers interfe