SHEENA POV FLASHBACK CONTINUATION Tumingin siya sa akin at naglaho ang mga ngiti sa kanyang labi. "I know you are wondering why I ended up like this. Na kahit ang bata bata ko pa ay baldado na akong lalaki." "Pwede bang malaman kung anong nangyari sayo?" tanong ko pa, I make sure na maayos ang pagkakasabi ko nito upang hindi siya ma offend sa akin. Napabuntong hininga siya ng malalim, "I got into an accident at sa sobrang lala ng nangyari sa akin, sinabihan ako ng doctor na malabo na raw akong makalakad. That I will be living the rest of my life with this kind of condition." I looked at him with pity. Kitang kita ko kasi ang lungkot na nagkukubli sa kanyang mga mata. Halatang masakit talaga ang nangyari sa kanya. "Sorry for what happened," nakiki simpatyang saad ko. "I don't ne