MARIAN POV Muli kong tiningnan si Mang Erwan habang gumuguhit ang pagtataka sa aking mukha at isang malaking tanong ang mabilis na pinakawalan ng aking bibig. "Pa-paano niyo po nakuha ang ganitong klase ng larawan?" Sa pagkaka alam ko ay wala namang mga kumukuha ng litrato sa cruise ship party. Pero ang larawan na ito, kitang kita na malagkit ang tinginan nila ni Sheena. Ngunit base sa pagkakakuha ng litrato, I think it was a stolen shot. "Actually, hindi ko sinabi sayo pero matagal ko na yang nakita sa pampang. Kasama iyan ng iba pang mga pictures ng camera man na nalunod sa kabilang baryo, kasama niya ang ilan pang mga nasawi, kalat na kalat na nga ang nangyari sa lumubog na barko pero ayaw ko lang magsalita. Marami pa nga siyang larawan na nakuhaan bukod diyan. Kaya nagtaka ako