SHEENA POV Halos hindi ako lubos makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Ethan. Ang lalaking baliw na baliw sa akin. Ilang beses ko na siyang tinaboy sa buhay ko. Ang buong akala ko ay tinanggap na niya na kahit kailan ay hinding hindi na magiging kami. Subalit ngayon, halos matulala na lamang ako sapagkat nandito siya sa harapan ko. And it seems that he is also the one who organized and budgeted this extravagant party dahil sa isa siyang bilyonaryo. Sa katunayan nga, mas mayaman pa siya kay Harold o maging sa lola nito. Masasabi kong sinadya niya siguro na papuntahin kami ritong lahat lalong lalo na ako. Halos hindi naman mapigilan ng mga tuhod ko ang manginig. Sa presence pa lang ng lalaking ito, sobra na akong kinakabahan. And I know, sa mga ngiti pa lang nito ay mayroon na siya