MARIAN POV Dalawang palapag lamang ang bahay ni sir Harold subalit napaka linis naman nito. "Ikaw lang ba talaga ang nakatira rito sir Harold?" tanong ko. "Oo ako lang ang nakatira rito mag isa. Hindi ko talaga gusto na bumalik sa mansyon ng lola ko dahil palagi na lamang niya akong kinukulit. Mas maganda na rin ang ganito para mayroon akong kalayaang gumalaw sa loob ng pamamahay ko." "Ganun?" gusto ko sanang tanungin sa kanya kung ito ba yung babaeng naka ekis ang mukha sa picture niya kaya lang kung tutuusin, wala itong pakialam sa sasabihin ko. "Siya nga pala, saan ako matutulog?" tanong ko pa. "May kwarto pa sa taas, katabi ng room. Hindi iyon gaanong kalakihan pero masasabi kong maayos naman kwarto. Walang daga o ipis kang makikita." Sinara niya ang pintuan ng kanyang bahay a