MARIAN POV Napa atras ako ng bahagya. Bumalik ako sa loob ng apartment ko at muli kong binuksan ang ilaw. Tama nga ang nakikita ng mga mata ko. Hindi ako nililinlang nito. "Sino ang gumawa nito? Sino ang nag padala nito sa apartment ko?" ito kaagad ang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mayroong gustong mag leak ng scandal naming dalawa ni Harold! Kapag nalaman ito ng mga officemates ko, nila papa at mga tao sa bahay, natitiyak kong malilintikan ako at hindi na makakalabas ng bahay dahil sa kahihiyan. Mula sa bar hanggang sa motel, talagang kuhang kuha ang mukha naming dalawa. Pati ang pagsayaw ko ng hubad ay hindi rin nakalapagpas. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Kinalkal ko ang laman ng envelope at may letter para sa akin. "Naka upload na ang s*x scanda