HAROLD POV I mean what I said. Kahit na nakakaawang tingnan si Marian, matigas pa rin ang puso ko para sa kanya. Naiinis ako sa mga taong manloloko! Nanatili siyang tahimik sa sinabi ko. "You have three days to resign! Wala na akong extension na ibibigay sayo pagkatapos niya," dagdag ko pa. Tumayo siyang bigla at paalis na sana muli ng maalala ko ang ginawa niya kagahapon. "Siya nga pala, bakit ka absent kahapon ha? Nagshopping ka ba gamit ang pera ko?" "Masakit po ang ulo ko, Sir Harold!" nakatalikod niyang sagot. Umalis na siya sa harapan ko at binilhan niya ako ng kape na gusto ko. Hindi ko na siya kinibo, bagkus ay ang sama pa ng titig ko sa kanya. Gusto kong malaman niya na ayaw ko siya bilang assistant ko para malaman niya na naiinis ako. 6 pm na, umuwi ako sa bahay. Pago