MARIAN POV May bigla na lamang tumawag sa selpon niya dahila para ma interrupt ang pag uusap naming dalawa. At base sa facial expression niya, mukhang sobrang importante ito. Lumabas na ako and he asked to do several tasks. Kaliwa't kanang paglalakad ako sa hallway, pasa ng mga documents sa iba't ibang mga boss. Tapos during lunch, pinabili pa niya ako ng pagkain niya at kape. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong ibuhos ang galit kay Ivy ng sabay kaming kumain sa lunch. "Nako nakakainis talaga! Assistant ang inapplyan ko rito, I was expecting na job related ang ipapagawa niya sa akin pero look what happened? Pati yung pag bili niya ng lunch, iuutos pa talaga niya sa akin." Nanggigigil talaga ako sa galit sa mga sandaling ito. "Ikaw naman? Dapat masanay ka na, tingin ko gan