CHAPTER THIRTY FIVE MABILIS DUMAAN ANG ARAW at tuluyan ng magaling ang dalaga. Katunayan dalawang araw ang lumipas nang makalabas si Garrie sa ospital. Bumisita at tiningnan niya muna ang nobyo bago tuluyang lisanin ang pagamutan. "Hearty, sorry sa lahat. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang pagtatalo natin. eh, ‘di sana pinakinggan na lang kita," napahagolgol nitong sambit saka hinawakan ang kamay ng nobyo."Lumaban ka hearty, please.. Hindi na ako galit at kakalimutan ko na ang lahat basta gumising ka lang," pakiusap pa rin ni Garrie na walang tigil sa pag-iyak at si Gwen na mismo ang lumapit at nagpatahan sa kapatid saka niyakap ito. "Sis, labas muna tayo nang pareho kayong makapag-pahinga. Kailangan mong magpalakas at alam ko ayaw din ni Inigo na magkasakit ka," suhestiyon n