CHAPTER 23 ISANG LINGGO ang lumipas nung may namamagitan kina Ethan at Celine na pinag-aaalala ni Ethan na dahil sa isang gabing pagkalimot at nagpatangay sa tukso ay posibleng magbunga ang isang gabing pagkakasala. Hindi man niya ito sinasadya ay nasa huli man ang pagsisisi ay hindi na maaaring ibalik ang mga pangyayari.Dahil sa nangyari ay napaisip siyang sabihin sa asawa o tuluyang ilihim na lang ito. Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko ugaling magloko at maglihim pero bakit ngayon parang hindi umuusog ang aking dila. Nakakaramdam ako ng takot at pangamba na baka--” kinakausap niya ang kanyang sarili. Isa pa ay nababahala siya sa maaaring kahantungan lalo na kilala niya ang asawa at mukhang pinagdududahan na siya nito lalo na hindi niya maiwasang hindi kibuin ng ilang araw tsaka pa