CHAPTER THIRTY-THREE SADYANG NAPAKABILIS NG PANGYAYARI to the point na parehong hindi makapaniwala ang kambal na si Garrie at Gwen. Naging mabilis man ang lahat pero para sa kambal ay yun ang pinakamahalagang araw para sa kanila. Natupad na rin ang pangarap ni Gwen na mapansin siya ng kanyang crush. Naging mabilis din ang pagtatapat ni Reid sa kanya ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na balak siyang ligawan ng binata. “Finally, you’ll be mine, Reid!” nakangiti niyang sambit sa sarili. Napakabilis man ng pangyayari magmula ng magkarelasyon ang kambal sa magpinsan ay hindi maiwasang mangamba si Margaux na sa kaligayahan nadarama ng mga anak ay mapapalitan ito ng pag-iyak dulot ng pighati dahil sinaktan o niloko sila ng mga lalaking mamahalin nila. Hanggang sa naisipan n