CHAPTER TWO

1624 Words
CHAPTER 2 Nasa sariling boutique si Jasmine habang nagchecheck ng mga bagong supplies. Nang may narinig siyang tumatawag sa kanya. "Bessyyy,.." tawag nito sa kanya. Napalingon siya sa kinaroroonan ng boses at si Janelle ang bestfriend pala niya ang tumawag sa kanya. "Oh Bessy, napasugod ka? Anong problema?" tanong nito saka niyakap at hinagkan ang kaibigan. "Naku Bessy, huli na pala ako sa balita at magpapakasal ka na at wala man lang pasabi," may himig nagtatampong saad niya sa kaibigan. "Naku Bessy, pasensya ka na naging busy lang talaga ako pero ikaw naman ang maid of honor ko," nakangiting paliwanag ni Jasmine sa kaibigan. Naging abala si Nathaniel sa pagbabasa ng mga files nito sa kanyang opisina. Kumatok ang kanyang sekretarya niyang si Ella. . "Come in." "Excuse me, Sir. Remind ko lang po ang meeting niyo mamayang alas-dos po kay Mr.Tan.” "Salamat sa paalala Ella,” aniya."Iyon lang ba ang appointment ko ngayong araw?” bigla nitong tanong sa sekretarya. "Iyan lang po Sir,” magalang tugon ni Ella sa kanya. "Sige, Ella. you can take your lunch now and be back after forty five minutes at may ipapagawa ako sa'yo." "Sige po, salamat.” Umalis na nga ang kanyang sekretarya at biglang naalala niya si Jasmine. They’re be going out for lunch. iyon ang usapan nila nang hinatid nito ang nobya kaninang umaga sa boutique nito. tinawagan niya muna si Jasmine. Matagal pa bago nasagot ng dalaga ang kanyang cellphone. "Hello, Mahal. pasensiya ka na kung matagal kong nasagot ang tawag mo," hinging paumanhin niya rito. "Okay lang ‘yan, Mahal. maghanda ka na at after an hour puntahan na kita diyan," wika niya “Oh, may pupuntahan ba kayo?” tanong ni Janelle sa kanya. “Oo, susunduin daw niya ako to take our lunch,” aniya. “Oh, okay... I better have to go, susunduin ko pa iyong inaanak mo. wala kasi ang tatay kaya ako na muna susundo,” saad niya. “Oh, mag-ingat ka and by the way, this weekend pwede mo ba ako samahan?” “Sure! Saan ba tayo pupunta?” “Basta sa bahay nalang natin pag-usapan,” saad ni Jazz. “Okay… see you then,” aniyang hinagkan ang kaibigan bago tuluyang lumisan. Saglit na tinapos ni Jazz ang kanyang ginagawa then mag-aayos na ito bago dumating ang nobyo. Makalipas ang ilang sandali, sinalubong ni Jazz ang parating na nobyo. Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Nathan sabay halik dito. “Are you ready?” tanong niya na ikinatango niya. “Shall we go?” Tahimik lang ang dalawa sa sasakyan ng nagpagtugtog si Nathan ng musika. Biglang tumawa si Jasmine ng maalala ang naturang kantang narinig. IKAW LAMANG by Janno Gibbs and Jaya na kinanta niya sa isang bar dahil pinilit lamang siya ng bestfriend niya. It was the time nauna silang nagkakilala ni Nathan. "Bessy, Pwede ba akong mag-request?" "Ano iyon?" "Hmmm... pwede ka bang kumanta kahit isa lang?" "Ako? Kakanta? No!! Bessy ayoko." "Sige na please..." Ilang minuto ay biglang tinawag ang pangalan niya. "May I call Miss Jasmine Gonzales, you are requested to go up here." Walang nagawa ang dalaga para paunlakan ang kaibigan at ayaw niya rin niyang mapahiya. Umakyat at sinimulan na nga ni Jazz ang pagkanta ng IKAW LAMANG. Hiyawan ang mga tao dahil sa ganda ng boses niya at ito agad ang napansin at narinig ni Nathan nang papasok ito sa naturang bar. Kasama ni Nathan ang kaibigang si Daniel at CJ. Sa isang sulok sila pumuwesto at hindi inalis at titig na titig si Nathan sa maganda at maamong mukha ng dalaga lalo na ang maganda nitong boses na hindi niya mapigilang humanga rito. Hindi nakaligtas sa dalawa nitong kaibigan ang maaliwalas nitong hitsura at natulala habang nakatitig sa kumakantang si Jazz. Matapos kumanta si Jazz ay nag-ayang umuwi na ito sapagkat may pasok pa ito kinabukasan. Aktong palabas na ito ay may biglang humarang sa kanila. "Hello, Girls. saan kayo pupunta?" tanong ng binata. "Pwede ko ba kayong maihatid?" bati at alok ng binata na ikinagulat ng dalawang babae. "May kotse kami at pwede ba Mister padaanin mo kami, medyo late na at may pasok pa kami bukas," pagtataray na wika ni Jazz na ikinangiti ni Nathan. "Pangiti-ngiti ka pa diyan at akala mo'y gwapo," sa isip niya habang naghahanap ng paraan para makaalis sila doon. Nanggigigil talaga si Jazz sa kayabangan ng binata. "Aalis lang ako dito kung ibigay mo ang mobile number mo at ang pangalan at address mo," wika ni Nathan na nagpakunot sa noo ni Jazz. "Bessy bigay mo na para matahimik at makauwi na tayo." "Hoy! Mister Yabang, anong ngingiti-ngiti mo diyan? Porke’t sa gusto nang umuwi at napilitan akong ibigay ang hinihiling mo," Saad niya rito at bumaling sa kaibigan at inutusan si Janelle na siya ang magbibigay at sumunod na rin ito para matapos agad ang usapan. Matapos maibigay ay inalis na rin ni Nathan ang pagkaharang ang dalawa. Ngumiti na lang si Nathan sa kanyang ginawa at bumalik na ito sa pwesto nila. Hinding-hindi niya makalimutan ang magandang mukha na minsan niyang nasilayan na nag-iisa noon at mukhang mayroong pinagdadaanan. Doon pa lang, attracted na ito at gusto niyang magpakilala at syempre nais niya itong ligawan. Magmula nung nakuha niya ang numero ng dalaga, naging consistent si Nathan na kilalanin ang bumihag sa kanyang puso. Kahit pa man bago lamang nanggaling sa break up, muli na naman na tumibok ang puso nito para sa isang babae. Isang kaakit-akit at magandang modelo ng bansa si Margaux Alferos. sa edad na twenty five ay nasa kanya na halos ang lahat maliban sa isang bagay ang tunay na pag-ibig. Ilang beses ng nakipagrelasyon ngunit tila lagi siyang bigo. Nasa rehearsal ng fashion event si Margaux nang mga oras na iyon. Katatapos lang nito at tama lang ang pagsundo ng pinsan niyang si Daniel ang kaibigan ni Nathan. "Couz, ang galing mo talaga! Timing na patapos na ako.” “Sorry, I wasn’t able to watch you kanina, may tinatapos kasi ako then siningit lang kita because I know you need someone to pick you up here.” “That’s okay, akala ko nga hindi ka makakapunta e, I was hoping somebody would pick me na ipakilala mo sa akin.” Kasama nito ang kanyang production assistant na si Rhoda at bestfriend nitong si Gerlie. Dumaan muna sila sa isang food chain at kumain saglit. "Bessy pagkatapos ng fashion event pwede mo ba akong samahan?" pakiusap ni Gerlie sa kanya. "Hmmm.. sige Bessy, saan naman?" tanong niya rito. “Nung isang araw kasi may tumawag sa opisina kung pwede ba akong maging wedding coordinator,” aniya."Samahan mo lang ako makipagkita sa Groom-to-be.” "Sure, Why not?” “Okay... let me remind you, you must have to behave okay?’ “Behave? Ano ba sa tingin mong gagawin ko?”nagtatakang tanong ni Margaux. “I know you so well and I know your type,” nakakunot-noo siyang tiningnan ni Margaux. “So? What are you implying?” Naiinis niyang tanong. “Don’t get me wrong, it just happened na minsan mong sinulot iyong isang client ko dati and this time I won’t let it happen again.” “Don’t worry, hindi na ako sasama sa’yo,” aniyang nagtatampo. “Okay fine, sorry... I didn’t mean to offend you, samahan mo na ako please...” pakiusap nito. "Teka! Gerlie, sino ba iyang client ang ka-meeting mo today?" biglang sabat ni Daniel kay Gerlie. "Nathaniel… Nathaniel Bernardo, the CEO ng BERNARDO GROUP OF COMPANY” "Oh.. that’s my good friend, ikaw talaga kinuhang maging wedding coordinator and I think Jazz doesn't know about this idea." “Really?” "Yeah, Mahilig sa sorpresa iyon," wika nito na ikinangiti ni Margaux na parang may binabalak. "Hey Margaux, what's that silly smile means?" biglang tanong ni Daniel sa pinsan. "Nothing Couz, it just that may naalala lang ako," pagdadahilan ni Margaux. Alam niyang nagkamali siya nung mga panahong inakit niya ang isang client ng bestfriend niya na dahilan hindi natuloy ang kasal but in the end siya pa rin ang iniwang luhaan. “Teka! Margaux, I saw your Ex-boyfriend yesterday,” saad ni Daniel sa pinsan. Pleasee... Daniel don't ever mention that stupid guy," naiiritang saad ni Margaux. "Buti pa maghahanap ako ng sugar daddy nito." Katagang binitawan ni Margaux na ikinagulat ni Gerlie at Daniel. "Hey! What's wrong? Bakit kayo na tahimik? Is there something wrong?” "Margaux, masamang biro iyan," sita ni Daniel sa pinsan. "Oo nga Bessy," segunda ni Gerlie. "Hahahaha… ano pa lang masama sa sinabi ko?” Natatawa niyang tanong sa mga ito. “Don’t ever say that again! Hindi naman masama iyong sinabi mo, It just that you need to be careful for the men na maaari an na manligaw or magugustuhan mo. find a man who will love you dearly and unconditionally, and a man who will never leave you and will always be there for you,” paalala ng bestfriend niyang si Gerlie. “Oo na Madam! Huwag mo na akong sermunan,” aniyang naiinis na ito."Rhoda kunin mong mga gamit at mauna na tayo,” utos niya sa production assistant niya,"Mahirap na at masermunan na naman ako." "Margaux... wait! Ihahatid na kita," sigaw ni Daniel sa papalayong dalaga. "Huwag na Couz at baka naistorbo ba kita,” tugon nito at tuluyan ng umalis. “Sasama ka pa ba? May pupuntahan pa tayo ‘di ba?” pasigaw na tanong ni Gerlie. “Ayoko na! Nagbago na ang isip ko.” Napailing na lamang ang dalawa sa inasal ng dalaga. They know how hard headed Margaux is. A spoiled brat at nag-iisang anak. lahat ng naisin nakukuha niya kahit may masaktan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD