CHAPTER 19 NATATANAW NI ETHAN ang asawa na mag-isang nakatanaw sa malayo. Marahan niya itong nilapitan at niyakap sa likod nito. Mahigit dalawang taon na rin silang mag-asawa at nanatiling sweet pa rin sa isa’t-isa. Animo isang whirlwind romance ang nangyari sa dalawa magmula nung nag-krus ang kanilang landas ng pareho silang nasa Abroad. Noon pa man ay attracted na si Ethan kay Margaux. Isa nga sa pinakamagandang nangyari sa kanya ay ang namagitan sa kanila ni Margaux at meron pang bonus sapagkat nagbunga ang isang gabing hindi naman totally nakalimot dahil from that night ay alam nila ang ginagawa nilang dalawa. “Something bothering you, Sweetheart?” tanong ni Ethan sa asawa. “Nothing, naalala ko lang bigla na ngayon pala yung araw ng first date natin, di ba?’ “Yeah! I remembered,”