CHAPTER 26 NAHIMASMASAN NA SA WAKAS si Margaux matapos ang tensyon sa pagitan nila ni Celine. Pinatikim lang naman niya ng hagupit ang malanding yun. Napakalakas ng loob niyang landiin ang asawa nito na kinaiinisan ni Margaux. Napakatindi ang epekto nito sa kanya sapagkat hindi lang nadurog ang .kanyang puso kundi pina alala ng kanyang asawa at ng kabit nito ang kanyang nakaraan. Napukaw ang mga maling desisyon niya sa buhay. Ang nakaraang nagdulot ng malaking kabiguan sa kanyang buhay ngunit alam niyang sa paglipas ng panahon ay nakapag move on na siya ngunit hindi niya inakala na ang lalaking mamahalin niya ay magdudulot sa kanya ng pasakit at pighati. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa pero sa pagkakataong ito, gusto muna niya ng space para maghilom ang sakit na kanyang nararamda