CHAPTER 15 NAGING MAHIRAP PARA SA MAG-ASAWA ang kanilang sitwasyon ngayon. Pansamantala na magkahiwalay ang mga ito, Lumipas na ang mahigit dalawang buwan na at wala pa rin nagbabago sa kanilang sitwasyon. Samantala mas lalong naging desperada si Margaux. Akala niya na magbabago na ang lahat kapag tuluyan na magkahiwalay ang mag-asawa. Akala niya mapapasakanya na si Nathan pero hindi pala. Katunayan nga walang pakialam si Nathan sa pinagbubuntis ni Margaux. Dahil para sa kanya ay posibleng hindi sa kanya ang ang nasa sinapupunan nito. Hindi rin naman ito sigurado kung talagang buntis ito o hindi. After nga iniwan at nagkahiwalay ang mag-asawa ay pumunta si Nathan at inalam ang totoong kalagayan ni Margaux. “Hey, Pare. I heard about what happened to both of you. Kumusta ka na? Ang mag-