CHAPTER 9 NAGING ABALA SI NATHAN nang araw na yon. Sunod sunod ang business meetings nito at nakaramdam siya ng pagod at nag-text sa kanyang asawa. “Huwag mo na akong hintayin, Late na siguro ako makakauwi,” text niya rito. “Okay… Mag-ingat ka,” she replied. Bigla na lang nakaramdam ng kakaiba si Jazz sa biglaang pag-text sa kanya ni Nathan. “Bakit kaya hindi makakauwi ng maaga? Saan ba siya pupunta? Anong gagawin niya?” katanungan sa isip ni Jazz. Hindi mawari sa isip niya ang posibilidad na baka makipagkita siya kay Margaux or magkikita sila ni Margaux. Maraming tumatakbo sa isipan niya. Magmula ng ginulo ni Margaux ang buhay nila ay hindi na siya mapakali. Naging paranoid na tuloy ito. Ayaw niya rin masyadong ipahalata kay Nathan na napapraning na siya dahil ayaw niyang mag-alala