Chapter 06
3rd Person's POV;
"Bitawan niyo nga ako!" sigaw ni Wise matapos siya hilahin ng mga hindi kilalang estudyante papunta sa likod ng campus.
"A-Aray," daing ni Wise ng bumagsak siya sa matatalas na bato at masugatan ang nga palad niya.
"Ikaw yung tropa ni Kirby diba? "
"Ano ba talagang kailangan niyo?" medyo kabadong tanong ni Wise matapos siya palibutan ng limang estudyante.
"Malaki ang kasalanan sa'min ni Kirby at dahil hindi kami makaganti sakanya ikaw na lang ang babanatan namin. "
Napapikit si Wise at handa ng saluhin ang suntok ng---.
"Para kayong mga hindi lalaki. Now i know kung bakit mga basura ang tingin sa inyo ng mga estudyante dito. "
Napamulat ng mata si Wise ng marinig ang pamilyar na boses at ang amoy ni Sebastian na humahalo sa hangin.
"Pakialamero ka! "
Literal na nanlaki ang mata ni Wise kung paano lumaban si Sebastian at kung paano hindi na nagawang makabangon ang mga humila sakanya kanina.
"Ayos ka lang ba? " napatigil si Wise ng lumuhod sa harap niya si Sebastian para pantayan siya.
"H-Ha? A-Ayos lang ako," kagat-labing sambit ni Wise bago mabilis na tumayo at tinago ang mga kamay.
Aalis ito ng saluhin ni Sebastian ang kamay ni Wise at tingnan yu'n.
"Ayos? Namamaga ang palad mo. " ani ni Sebastian dahilan para kuhanin yun ni Wise at umiwas ng tingin.
"Dadaan na lang ako sa clinic mamaya, s-salamat." ani Wise bago mabilis na umalis du'n at iwasan si Sebastian.
Wise Visales's POV;
'Bagay sila. '
Nakagat ko ang labi ko ng maalala yung mga halik ni Sebastian, kung sila ni Kreos bakit niya ako hinahalikan? Ganun ba siya makipag kaibigan o nagchecheat siya kay Kreos?
Mula dito sa taas kitang-kita ko kung paano magbago-bago ang emosyon sa mukha ni Sebastian habang kausap si Kreos na hindi ko man lang nakita kahit kami yung magkasama o nasa school.
"Cutie guy! "
Literal na nanlaki ang mata ko ng kumaway sa'kin si Kreos na kinatingin ni Sebastian.
Alanganing ngumiti ako bago dali-daling pumasok sa loob ng classroom.
'Ano bang ginagawa mo Wise? Sira na ba ang ulo mo. '
Parang tangang sambit ko sa sarili bago humakbang pabalik sa upuan ko at umupo.
Sa isang araw na yung deadline ng bayaran sa tuition ko kailangan ko makaisip ng paraan para makabayad since kulang pa din yu'n.
3rd Person's POV;
"Saan mo naman nalaman ang chismis na yan? "
"Narinig ko lang sa faculty room since si cutie guy topic nila. Then nalaman ko hindi pa nakakabayad si cutie guy ng tuition fee at nu'ng last na exam. "
Hindi umimik si Sebastian hanggang sa mag paalam na si Kreos na babalik na sa classroom at may practice pa sila.
"Ano?! Magkano ba kailangan mo? Papautangin kita. " ani ni Kirby na kinasapo sa noo ni Wise.
"Kirby, alam ko sitwasyon ng pamilya mo, nasa ospital si tita at kailangan niyo din ng pera. "
"Magagawan ko yun ng paraan at isa pa--- ."
"Kirby wag na. " putol ni Wise bago ngumiti.
"Ilang beses na itong nangyari sa'kin magagawang ko ito ng paraan. "
"Ano uutang ka nanaman sa Frank na yu'n? Bud sinasabi ko na sayo hindi maganda ang pakiramdam ko sa putanginang yu'n. "
"Kirby wag ka ngang ganyan, ang laki na ng utang loob ko sakanya at---. "
"Basta bud mag ingat ka wag ka masyadong magtiwala sa lalaking yu'n. "
--
"Kung sasama ka sa'kin isang gabi lang bayad na lahat ng utang mo pati ang tuition fee mo sa school."
"Anong isang gabi? " tanong ni Wise ng makalabas sila ni Frank sa store at sinubukan nito manghiram ng pera.
"Alam ko naman na hindi mo na ako mababayaran since malaki-laki nanaman ang utang mo sa'kin pwede na ako maningil diba? "
Halos manuyo ang lalamunan ni Wise ng tingnan siya ng tinuring na kaibigan sa trabaho.
"Wag ka ng pumalag, wala naman mawawala sayo at alam kong mag eenjoy ka din naman," ani ng lalaki bago hinablot si Wise.
"F-Frank p-pag usapan natin ito hind---. "
"What? Makikipaglaro ka lang naman sakin ng isang gabi then tapos na lahat ng problema mo. "
Hindi nakagalaw si Wise ng maisip ang offer ni Frank wala nga naman sa kanyang mawawala at bayad lahat ng utang niya pero---.
"4 hours na ako naghihintay dito Wise, hindi ka pa ba uuwi?"
Napalingon si Wise ng makita si Sebastian na nakapamulsahang naglalakad palapit sakanila.
"Anong problema mo?! " bulyaw ni Frank ng itulak siya ni Sebastian palayo at bumangga sa taxi na nasa likuran.
"Ayoko lang ng may humahawak sa pagmamay-ari ko. "
Parang nabato sa kinatatayuan si Wise ng marinig ang sinasabi ni Sebastian.
"Ito ang cheque may 500 thousand na naman yan if kulang pa yan para sa utang ni Wise, tawagan mo ako," bored na sambit ni Sebastian bago tinapon sa mukha ni Frank ang papel at hinila si Wise na hindi makareact sa ginawa ng binata.
Nang may tumigil na bus agad na sumakay sina Sebastian at umupo sa pinakalikuran.
"Sa pananahimik mo kanina mukhang papayag ka sa offer ng gagong yu'n. "
"M-Malaki na ang utang ko s-sakanya at kung---. "
"Damn that reason," inis na sambit ni Sebastian na kinatingin ni Wise.
Hindi na nag-imikan ang dalawa hanggang sa makababa sila sa bus at makapasok sa building.
"Papautangin kita pambayad sa tuition mo," ani ni Sebastian na kinatingin ni Wise ng makapasok sila sa elevator.
"A-Ang dami na ng utang ko sayo, p-paano ko lahat yun mababayaran? " tanong ni Wise na kinagat labi ng binata.
"Ipagluluto mo lang ako ng dinner at lilinisan mo ang unit ko. " sagot ni Sebastian na kinatingin ng binata.
"Seriously? " tanong ni Wise na kinatahimik ni Sebastian.
"Sebastian teka! "
Habol ni Wise kay Sebastian matapos lumabas ng elevator at nakarating sila sa 6th floor.
"Antayin mo na lang ako bukas sa labas ng unit mo, pupunta tayo bukas sa bangko para mag widraw since puro credit card yung hawak ko, "ani ni Sebastian bago binuksan ang unit niya.
"Pakinggan mo naman kasi ako, about dun sa p*****t sa tingin mo sasapat na yu'n? " tanong ni Wise ng makapasok sila sa loob.
"Sasapat yun kung habang buhay mo 'yun gagawin. " ani ni Sebastian na kinalaki ng mata ng binata.
"A-Ano? " hindi makapaniwalang sambit ni Wise habang nakatingin kay Sebastian na hinuhubad ang uniform.
"Are you out of mind Sebastian?"
"Bakit gusto mo din ba na offeran kita na ang katawan mo ang ibayad mo sa'kin? " balik na tanong ni Sebastian na kinagat- labi ni Wise bago yumuko.
Wise Visales's POV;
Kailangan ko ba talagang gawin yun para makabayad?
'Bumaba ba ang tingin sakin ni Sebastian dahil sa narinig niya? '
Napahawak ako ng mahigpit sa braso ko dahil sa idea na nakakaawa talaga ako.
"What are you thinking? "
Napaangat ako ng tingin ng hawakan ni Sebastian ang braso ko at ng mag tama ang mata naming dalawa. Napalitan ng pag aalala ang expression niya at hinaplos ang pisngi ko.
"Sorry kung naoffend kita sa sinabi ko, I didn't meant it, hindi lang ako makapaniwala na ibaba mo ang sarili mo dahil lang du'n. "
"H-Hindi mo ako naiintindihan k-kasi wala ka sa sitwasyon ko, hindi ka namomoroblema sa pera, " bulong ko bago yumuko.
"Naguguilty ako, ang bait mo sakin lagi mo akong nililigtas tapos binayaran mo pa lahat ng utang ko. Paano ko mababayaran lahat ng 'y-yun. " ani ko hanggang sa naramdaman ko na lang na yakapin ako ni Sebastian sa bewang.
"Hindi ako kuntento sa katawan mo lang kaya hindi mo masasabing bayad kana once na ginawa natin ito. "
"H-Ha? " ani ko na kinataas ng gilid ng labi niya.
"Hindi ka kuntento sa p*****t na gusto ko diba? " tanong niya na kinatahimik ko ng mapatitig ako sa mga labi niya.
"Willing ako magbigay ng financial support sayo but---. "
"Ikaw mismo ang gusto kong kapalit hindi lang ang katawan mo. "
"A-Ano? " ulit ko matapos mag sink in sakin lahat ng sinabi ni Sebastian.
"S-Sira kana ba? May Kreos kana magagalit---. "
"Walang kami ni Kreos, anong iniisip mo? "
"Ano? " ulit ko na kinataas ng kilay niya bago nilapit ang mukha sakin at bigyan ako ng mumunting halik sa labi.
"For the mean time makukuntento na muna ako sa katawan mo, pero kapag nagtagal ikaw na mismo ang gusto ko. 'Yes' lang ang isasagot mo because i didn't accept 'no' next time. "
"S-Sebastian hindi kita maintin---. "
Parang lumipad sa hangin lahat ng sasabihin ni Wise ng siilin siya ng halik ni Sebastian at ihiga sa kama.
"I-Ito na ba ang k-kapalit? " natatakot na sambit ni Wise at the same time kaba.
Hindi dahil sa natatakot siya kay Sebastian kung hindi baka maturn off ito sakanya o hindi siya magustuhan.
Sa dami ng iniisip ni Wise lahat yun nabura dahil sa halik ni Sebastian sa noo niya at pag titig sa kanyang mga mata.
"Hindi ito ang fully p*****t Wise, advance p*****t lang ito since nakukulungan ka sa hinihingi ko na kapalit. "
"Pero alam mong hindi ko mababayaran yu'n kahit h-habang buhay pa ako magt-trabaho sayo," bulong ni Wise.
"Then enjoy yourself with me," bulong ni Sebastian na kina skip ng paghinga ni Wise.
"Pero ayokong iisipin mo na gagawin mo ito dahil sa utang na loob, itulak mo ako kung ayaw mo ito gawin kasama ako, " may authority na sambit ni Sebastian.
Tinitigan siya ni Wise ng ilang minuto sa mga mata bago iangat ang mga kamay. Pero imbis itulak si Sebastian siya na mismo ang humalik kay Sebastian na agad sumagot sa mga halik niya at hinubad ang suot niyang damit.
"Umamin ka tinitake advantage mo ba ako? Dahil sa utang ko sayo. " tanong ni Wise ng maghiwalay ang labi nila na kinataas ng labi ni Sebastian.
"Opportunity ang tawag du'n," napasinghap si Wise at bahagya napapitlag ng maramdaman ang mga kamay ni Sebastian sa pagitan ng mga hita niya.
"Relax," bulong ni Sebastian na kinalunok ni Wise bago dahan-dahan ibuka ang mga hita niya at para idistract ang sarili hinalikan ulit niya ang binata.
--
Nang masigurado na tulog si Wise bumangon na si Sebastian at pumasok sa bathroom para maligo.
"Darn, mas lalo na yata akong nabaliw, "naiinis na bulong ni Sebastian habang naliligo sa cold water at inaalala ang mukha ni Wise na nakahiga sa kama.
Hanggang sa gumuhit ang ngiti sa labi ni Sebastian at napahawak sa noo bago dinama ang lamig ng tubig.
"He's mine now. "
'Goodjob! Mukhang maganda mood mo ngayon ah. '
'Malinis .'
"Kailan ba naman ako pumalpak sa mission. " smug na sagot ng binata habang nagsisindi ng sigarilyo matapos siya makarating sa hangganan ng city.
"Uuwi na ako ikaw na bahala sa lahat Red. " ani ng binata bago tinanggal ang earpiece habang iniistart ang motor at kinabig yun pabalik.
Wise Visales's POV;
Nang magising ako napabangon ako at agad napangiwi ng makaramdam ako ng sobrang sakit sa balakang ko.
Hindi ko din gaanong maramdaman ang mga hita ko darn.
Napahawak ako sa noo ko at agad nag init ang pisngi ko nu'ng maalala ko yung kagabi.
'N-Nagawa ko t-talaga yun? W-With Sebastian? '
"Wise gising kana pala. "
Napaangat ako ng tingin at parang tumigil ang ikot ng mundo ko matapos makita si Sebastian na topless. Naglakad ito palapit sa akin habang may dalang tray.
"S-Sebastian," bulong ko ng lumapit siya at ibaba ang tray sa kama.
Para naman nanuyo ang lalamunan ko ng magtama ang mata namin, ang awkward.
"Kumain kana muna, para magkaroon ka ng lakas. "
Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko ng nag double meaning sakin ang sinabi niya dahil ba sa pag passed out ko kagabi?
'Nakakahiya. '
3rd Person's POV;
Hindi mawala sa labi ni Sebastian ang ngisi ng makitang halos mabulunan si Wise sa pagkain dahil sa gutom at frustration.
"Pumunta tayo mamaya ng school," ani ni Sebastian na kinatigil ni Wise. Napalunok na lang ang binata nang hawakan ni Sebastian ang pisngi niya at siilin ng halik dahilan para mabitawan ni Wise ang kutsara na hawak.
"Eat well mag aayos lang ako. " napakurap si Wise ng balewala na tumayo si Sebastian at pumasok ng bathroom.
--
"Nakakabaliw! " sigaw ni Wise ng makarating siya sa unit niya at napaupo sa harapan ng pinto habang sinasabunutan ang sarili.
"Nakakabaliw ang lalaking yu'n! Pano na ito tingnan niya lang ako para na akong masisiraan ng ulo. "
Parang nawawala sa sariling sambit ni Wise hanggang sa pumasok ulit sa isip niya ang expression at mukha ni Sebastian kagabi.
"Holyshit," mura ni Wise matapos itakip sa mukha ang mga palad ng para s'yang lalagnatin dahil sa lalaki.