Masakit ang buo kong katawan nang bumangon ako sa kama. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong umalis sa kama ni Blue at balak kong hanapin ang trahe de boda niya na hinubad sa akin. Natuwa ako nang pagbalikwas ko ay makita kong nakasuot na ako ng damit. Akala ko hubad pa rin akong gigising pagkatapos ng ginawa sa akin ni Blue kagabi. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko na kailangan pang suutin ang trahe de boda ko na warak na basta na lang niyang tinapon sa sahig. Nakita ko ito sa baba malapit sa kama. Nilapitan ko ito kahit napapangiwi ako sa sakit. Tinupi ko ito kaagad at nagpasya na akong lumabas ng kwarto ni Blue habang paika-ika ako. Kailangan kong makabalik ng kwarto namin ni Azrael habang hindi pa siya nagigising. Alas-kwatro pa lang naman ng umaga, kung hindi pa ako nagrekla