Mhaan Mabilis na rin akong iniwan ni Mama at lumabas ng silid ko. Pabagsak niyang isinara ang pinto. Ibinuka ko ang palad ko kung saan naroroon ang dadaaning papel na ibinigay niya. Malayang pumatak doon ang mga luha ko. Para lang akong isang pulubing namalimos sa kanya, ngunit hindi sa perang ito kundi sa pagmamahal niya. Tumayo ako at nagtungo sa office table ko. Inilapag ko sa ibabaw niyon ang pera bago ako kumuha ng isang piraso ng papel at ballpen. Sinimulan kong isulat doon ang mga katagang-- 'Maraming maraming salamat po sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo, Mama, Papa, ate. Mag-iingat po kayo palagi.' Patuloy na pumatak ang mga luha ko sa papel na iyon bago ko inayos ang pagkakalagay nito sa gitna ng mesa, sa tabi ng pera. Nakangiti ko silang pinagmasdan ngunit para nang bukal