Mhaan Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa bahay ni Ninong ay natanaw ko na siyang lumabas ng pinto at nakangiting tumitig sa akin. Saglit naman akong napahinto at napatitig din sa kanya. Napakaaliwalas ng awra niya at mukhang hindi na nga siya nagulat na madatnan ako dito sa labas. Mukhang inaasahan na talaga niya ang pagdating ko. Nasabi na rin siguro ni Derrek sa kanya kung ano ang mga nangyari sa akin. "Ninong..." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. "You know you're always welcome at my house." Napahikbi ako sa sinabi niyang 'yon at napasugod sa kanya. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at gano'n din siya sa akin. Bumalot ang napakainit niyang braso sa akin at mas lalo namang bumugso ang damdamin ko. Para akong nakahanap bigla ng kakampi, ng taong magtatanggol sa a