Mhaan Isa-isa ko nang inalis mula sa pagkakadikit sa pader ang mga larawan namin ni Derrek na magkasama habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko sa pisngi. Hindi ko mapigilang titigan sila isa-isa at balikan ang mga magagandang alaala kung paano kami nagkaroon ng mga ganitong larawan. Kauna-unahang larawan namin noong kami ay nasa high school pa lamang. Nagkaroon kami ng program sa school at lahat kami ay nag-participate sa isang sayaw. Kaming dalawa ang naging magkatambal simula sa practice hanggang sa mismong araw ng program. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan naming dalawa. Ako ang kumuha ng larawan naming ito gamit ang phone ko at kaagad kong pina-print at itinago. Kaya naman buhay na buhay pa hanggang sa ngayon kahit halos sixteen years na ang nakalilipas. Actually, halos