Wala akong magawa nang bigla akong kaladkarin ng lalaki sa kotseng nakatigil. "Sir. Dark!" sigaw kong muli, nagbabakasakali na marinig ako ng mahal ko. Nagulat ako nang meron humila sa akin papalayo sa lalaki, kaya nabitawan ako nang gustong kumuha sa akin. Niyapos ako ni Dark at pinaharap sa dibdib nito, narinig ko ang magkakasunod-sunod na putok ng baril. "Let's go!" galit pa rin pagyaya sa akin ni Dark. Lumapit sa amin si Apple. "Lord, ito na po ang susi, kami na ang bahala sa mga taong nagkalat dito," anas ni Apple. Mahigpit akong hinawakan ni Dark sa kamay ramdam ko ang galit pa rin nito sa akin. Medyo kinabahan ako sa mga kinikilos nito. "Sakay!" galit na utos nito sa akin. Sumakay ako sa unahan ng motor nito na walang salitang namutawi sa bibig ko. Saka gusto rin ni Dark na r