STALKER 3

1503 Words
"Oohh! Nandito ka na naman?" galit na tanong sa aking ng guard at halos ipagtulakan ang sa klase ng tingin nito. "Yes! Nandito na naman ako at nagkita na naman tayo," mapang-asar kong wika ko rito. "Bakit ba rito ka ba kumakain? Ang daming namang pwedeng makainan pero mas gusto mo pa rito sa lugar ng mayayaman kumain!" "Mayaman kaya ako, hindi lang halata," pang-aasar ko rito. "Sino ba ang binabalikan mo rito? At dito mo pa gustong kumain," inis na wika nito. "Ikaw ang lagi kong binabalikan dito, gusto ko kasi na araw at gabi ikaw ay aking nakikita. Ikaw din ang laman ng isip ko sa tuwing ako'y matutulog," nakangisi kong wika sa lalaki Lalong nagsalubong na naman ang mga kilay nito. "Hindi ikaw ang type ko!" singhal nito sa akin. "Ehh, 'di wow! Ikaw lamang ang lalaking masyadong mapili," asik ko rito. Wala na itong nagawa nang tuluyan na akong nakapasok na ako sa loob. Umikot ang mga mata ko upang hanapin kung na saan naka pwesto ni Dark, na pangisi akong bigla nang mamataan ko ito sa isang table kasama ang tauhan. Mas lalo akong nagdiwang ng mayroon bakang table malapit sa mga ito, kaya naman nagmamadali kong lumapit doon at baka maunahan pa ako ng ibang tao. Nag order lang ako ng pagkain na abot kaya ng pera ko, nakakainis naman, hindi ko makita ang mukha ni Dark, sapagkat nakatalikod ito sa akin. Hindi ko tuloy makuhanan ito ng picture, may bago na naman sana akong picture nito. "Ano'ng balita? Nagawa ba ninyo ang pinapaayos ko?" narinig kong tanong ni Dark sa mga tauhan niya. "Naayos na po namin Lord at siguradong mahuhuli na natin sila mamaya," sagot ng isang tauhan nito. "Good. At iyong pinababantayan ko sa inyo, wala bang lumalapit na mga langaw?" muling tanong ng lalaki. "Wala naman po kaming nakikitang lumalapit, seven am na po siya nakaumuwi, kaninang umaga kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng bahay at iyon po ang sabi ni Billy," rinig kong paliwanag ng tauhan nito. "Lahat nang lumalapit sa kanyan ay turuan ninyo ng leksyon!" "Opo, Lord, gagawin po naman ang iyong pinagbilin. Siyanga po pala. Iyong sinasabi mong lalaki ay bakla po pala iyon," wika ulit ng tauhan nito. Nakita kong sumandal ito sa upuan. Diyos ko ang sarap niyang yakapin at halikan. "Le'ts go, hindi puwedeng makatakas ang mga tatrantadong iyon," narinig ko pang wika ni Dark bago tumayo mula sa silya. Agad naman akong tumingin sa labas ng restaurant upang hindi ako mahalata ng lalaki. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang lumabas na ito nang tuluyan. Inubos ko lamang ang inorder kong pagkain bago ako tuluyang lumabas ng restaurant, tuloy-tuloy akong humakbang at hindi ko nga pinansin ang gaurd. Completo, na naman ang araw ko, dahil kahit likod lamang niya ang nakita ay masaya na ako. Kailangan ko nang maumuwi upang matutulog muli. Agad akong sumakay ng jeepney at hindi nagtagal ay nakarating ako sa bahay na aking inuupahan. Biglang nag ingay ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Jenny isa sa mga kaibigan ko. "Ohh, Jenny," bungad ko agad. "Mag bar tayo mamaya, 'di ba wala ka namang pasok mamayang gabi? Sige na sumama ka na, huwag kang mag-alala ililibre kita," wika nito. "Kung ililibre mo ako, sige sa sama ako," saang-ayon ko sa aking kaibigan. "Okay, magkita na lang tayo sa D.A bar's," saad ni Jenny. "Di ba mahal doon?" gulat na tanong ko. "Ayos lamang kung mahal doon, marami naman mga guwapo sa lugar na iyon. Kaya mag eenjoy tayo mamayang gabi," kinikilig na wika nito. "Okay," tugon ko rito. Agad naman itong nagpaalam sa kabilang linya. Siguro'y matutulog muna ako, siguradong akong puyat na naman ako mamayang gabi, minsan lang akong sumama magbar sa mga kaibigan ko kaya lulubos-lubusin ko na. Ang nakakainis lang kapag ako ang sumama sa mga ito, ang nangyayari ako ang nagiging alalay nila dahil mga lasing na ang mga pasaway. Kaya minsan hindi talaga ako sumasama sa mga ito dahil ako ang pinahihirapan kapag uuwi na. Palabas na ako ng bahay, nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko, kaya bumalik ulit ako sa kuwarto ko upang alamin kong sino iyon. Hindi ako nagdadala ng cellphone, lalo na kapag ganitong sa bar ang punta ko, baka malasing ako at mawala ko ang phone ko. Sayang naman, ilang taon ko rin pinag-ipunan bago ko mabili ang cellphone na gustong-gusto ko. Nakita kong si Jenny ang tumawatag. Kaya sinagot ko muna iyon bago ako umalis ng bahay. "Malapit na ako!" inunahan ko na agad magsalita, sure kasi ako na sermon ang aabutin ko rito. Agad ko nang i-off ang phone at muling lumabas. Nagmamadali kong ini-lock ang pinto ng inuupahan kong bahay, nakita kong may nakatigil na kotse sa daraanan ko. "Mayroon sigurong panauhin si Manang Luz. Baka mayamang kamag-anak. Hanip sa ganda ang kotse nito. "Malapit na ako kotse nang makita kong dahan-dahan bumubukas ang bintana nito. "Miss. Puwede magtanong?" Nagulat ako sa biglang nagsalita ang nasa loob ng kotse kaya tumingin ako rito. "Sige po. Ano po ba 'yun?" tanong ko. "Kilala mo ba itong nasa picture?" tanong nito kaya lumapit ako upang makita ang hawak niyang letrato. Maganda ang babae at mukha ngang modelo. "Kuya, hindi ko naman kilala ang babaeng 'yan, wala rin akong nakikitang ganyan mukha rito," saad ko sa lalaki. Napatingin akong bigla sa suot kong relo parang naramdaman kong hinawakan niya iyon. Mukhang interesado pa yata si kuya sa sout kong relo, luma na nga ito at mumurahin lang ang aking bili. "Sige po kuya, aalis na ako," paalam ko mukha namang wala na itong itatanong sa akin. Lagot ako nito kay Jenny, lalo at late na naman ako, baka pagdating ko sa bar ay mga bangag na sa alak ang mga 'yun. Kawawa na naman ako nito oras na magkatotoo nga ang aking hinala. Agad akong sumakay ng taxi nang may tumigil sa aking tapat. At nagpahatid sa D. A bar's. Pinakita ko pa nga ang id ko sa guard. Nagsisigurado lamang daw sila na walang makakapasok na mga kabataan sa loob. Nakita ko agad ang tatlo kong kaibigan. Lumingon naman sila sa akin at puro mga nakasimangot ang mga ito. "Dumating ka pa?" asar na wika ni Jenny. "Trapik kaya,' malupit kong palusot. Tumingin ako kay Ada at Abe at mukhang mgq bangag na sa alak. Kaya umiiling na lamang na naupo ako sa bakanteng silya. "Tingnan mo Sandy, ang hot ng mga lalaki rito. Puwede nang maging ulam natin," tahasang wika ni Ada. "Oh, My Gosh! Si Dark Alvaro nandito!" Bigla akong napalumingon at nakita ko nga ang gwapong mukha ni Dark, papasok ito ng bar, pansin ko ring nagpalinga-linga pa ito at parang may hina-hanap. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Baka kasi makita pa ako ito na nakatingin sa kanya. "Huwag na kayong magtaka dahil siya ang may-ari na D.A bar's," pabulong na saad ni Jenny. "My God! Nandito sa likuran natin si Dark," halos mahimatay si Ada sa kilig. "Sana yayain akong isayaw ni Dark," pahayag naman ni Abe. Hindi na lamang ako nagsalota, tahimik kong ininom ang wine. "Guy's, sayaw tayo," pagyaya ni Jenny. "Kayo na lang, alam naman ninyong hindi ako marunong sumayaw," umiling wika ko. "Dito ka lang, ha, baka bigla kang umuwi kung sakaling mainip ka," puna sa akin ni Abe. "Oo, dito lang ako hindi ako aalis, hihintayin ko kayo." Naglakad na nga paalis ang tatlo kong kaibiga. Nakakainis naman, nandito nga si Dark. Pero hindi ko naman matitigan ang mukha nito. Lalo at nasa aking lukura ito nakapwesto. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom ng alak. Hindi ko nga namalayang halos maubos ko na ito. Masyado yatang matapang itong binigay na alak sa akin ni Jenny. Parang ang bilis kong malasing, nakita kong papalapit ang tatlo at nagtatawanan pa nga ang mga ito. "Oohh, Sandy! Mukhang lasing ka na?" puna sa akin ni Abe. "Girl's kailangan ko nang umuwi, mukhang tinablan na ako ng alak," saad ko. "Kaya mo pa bang umuwi, Sandy?" tanong ni Jenny. "Oo, kaya ko pa," tugon ko. "Gusto mo ihatid kita sa sakayan ng taxi?" tanong naman ni Abe. "No, kaya ko pa ang aking sarili ko, huwag kayong mag-alala sa akin." "Sandy, mag-ingat ka, ha," paalala ng mga kaibigan ko. "Oo," sagot ko at agad na tumayo. Humakbang na ako. Ngunit...bigla akong napatingin sa table nina Dark. Pansin kong nakatingin siya sa akin. Baka inaabot na naman ng guni-guni ang utak ko. Nakita kong nagtayuan na rin ang mga ito. Kaya nanghihinayang na nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko man lang kasi nakuhanan ng picture si Dark. Mabagal lamang ang lakad ko, dahil baka matumba ako, ngayon ko naramdaman ang epikto ng alak. Tumigil ako upang maghintay ng taxi, namataan kong may papalapit sagawi ko. Binuksan ko maige ang mata ko para kasing hindi taxi ang papalapit parang kotse ito na kulay puti. STALKER/ MAFIA LORD SERIES 3 SANDY.❤ DARK.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD