“Toy, ano ba ang ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Kokoy sa binatilyo dahil kanina pa ito tingin nang tingin sa ilalim ng karwaheng sinakyan namin. Lumapit ako sa kanila at yumukod din ng konti para makita kung ano ang tinitingnan ni Totoy. “Ano ang tinitingnan mo riyan, Toy?” nagtatakang dagdag na tanong ko ng hindi ko marinig ang sagot niya sa tanong ng Kokoy ko. “Bulok na yata ang bahay ng kawawang kabayo na ‘to! Lumuluwag ang mga turnilyo kapag masyadong naaalog. Sana lang talaga ay hindi na maulit ang lindol kanina dahil baka hindi na tayo makaabot sa bahay pauwi!” nakasimangot niyang reklamo at puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Umiiling pa ito at naguguluhan sa mga nangyari. Napalunok ako ng laway at kaagad na kinakabahan. Kaya mabilis kong hinila si Kokoy para hay