Mabilis kong nasalo si Teria nang bigla na lang itong nawalan ng malay. Ilang beses ko itong ginising pero ayaw na talaga nitong dumilat. Kaya wala na akong magawa kundi kapkapan ang bulsa niya. At nang maalala ko kanina, nakita ko itong may nilalagay siya sa kaniyang dibdib. Natawa pa nga ako mula sa malayo dahil nagpalinga-linga pa ito sa paligid bago siya naglagay ng kung ano man sa ilalim ng kaniyang bra. Akala ko nga ay inaayos niya lang 'yon dahil tumagilid. Grabe talaga 'tong babaeng 'to dahil sa kaniya ay nabobo na rin ako. Sinira niya ang kalmado kong pag-iisip at ang kainosentehan niya ay nagpapalala sa kalagayan ko. Kung hindi lang sana dahil sa ina ko ay hindi ko hahayaang maglapit ang landas namin. Naiinis ako dahil buong buhay ko ngayon lang gustong makipag-