"Surprise!" Malakas na sigaw ng mga tao sa bahay nang makapasok ako. Napangiti ako habang tinitingnan sila at hindi ko alam kung bakit nila ako sinorpresa. "Ano'ng meron?" nagtataka kong tanong dahil sa ginawa nila. Abot tenga ang aking mga ngiti at hindi ko kaagad nakita si Mommy at Daddy na nakarating na pala galing sa Singapore. Kaya naisip ko na baka nakalimutan nilang dalawa na bukas pa ang birthday ko. "Mommy, Daddy? Nakauwi na pala kayo? Bakit hindi niyo sa akin sinabi?" sunod-sunod kong tanong at hindi ko alam kung ano ang pakulo nila. Sa tuwing pauwi ang mga parents ko galing sa bakasyon ay lagi ko silang sinusundo sa airport. Pero naguguluhan ako ngayon kung bakit hindi nila pinaalam sa akin at may pa-surprise-surprise pa silang nalalaman na gawin para sa akin kung bukas pa