Isang linggo na akong pabalik-balik sa LiquidDoze Bar para sa proposal ko kay Kokoy. Nagmumukha na akong tanga dahil hindi naman ako nito pinapasin. Kahit na inaalok ko ito ng malaking halaga ay hindi pa rin ito nasisilaw sa pera. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapala. Kahit na ano'ng pilit ko sa kaniya ay ayaw niya talaga. Hirap na hirap akong tibagin ang paninindigan niya. Pero may kung ano sa puso ko nq hindi ko maintindihan. Sa tingin ko ay mas lalo akong napapahanga sa dignidad at prinsipyo niya. "Nandito ka na naman?" naiinis niyang tanong sa akin nang biglang bumungad ang mukha ko sa pagpasok niya sa LiquiDoze bar. Nginisihan ko lang siya at hinintay na lumapit sa akin. Ngunit nabigo ako dahil nilampasan niya lang ako. “Kokoy…” malambing kong tawag at