Hinamon ako ng katangian meron si Teria, ngunit ilang araw pa lang kaming magkasama ay parang sasabog na ang utak ko kung paano ko sasakyan ang trip niya. Masyado siyang maluko at kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Para bang hindi niya pinag-iisipan lahat ang gusto niyang sabihin bago bitawan ang mga salita. Kakayanin ko kaya hanggang isang taon kung ganito kami palagi? Ibang-iba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Lahat ng mga babae ay nagpapa-impress sa akin. Samantalang si Teria ay hindi man lang iniisip kung matu-turn off ba ako sa mga pinagsasabi niya. Siya lang ang kilala kong babae na walang pakialam sa lahat. Ang importante sa kaniya ay masabi niya lang ang saloobin niya. Sasabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin at wala siyang alam kung ano ang epekto