Nagpaalam kami kay Manong Julio na gagamitin namin ang kalesa para sa pamamasyal. Ipagmamaneho sana kami ni Manong pero mabilis akong tumanggi. Todo iling ang ginawa ko para hayaan niya lang kaming dalawa ni Kokoy. "Huwag na po, Manong dahil nandyan naman po si Kokoy. Magpi-picnic po kami at baka mamaya pa kaming hapon makauwi," pagdadahilan ko dahil ayaw kong may kasama kami ni Kokoy na mas matanda. Hindi nila maintindihan ang mga kagaya naming millennial. "'Di ba birthday mo ngayon?" tanong nito sa akin. Tumango ako. "Opo at gusto ko lang pong ilaan ang kaarawan ko sa aming dalawa lang ni Kokoy. Pupunta po kami ngayon sa waterfalls." "Hindi mo na kabisado ang lugar dito Teria kaya kailangan na may kasama ka." "Si Totoy na lang po, Manong Julio!" Mabilis kong mungkahi. Tuk