CHAPTER 29

1490 Words

[THIRD PERSON'S] DAHIL SA desisyong ibinigay ni Millian kay Altheya, itinuon na lamang niya ang atensyon sa pagtuturo sa mga bata ng martial arts. Sa tulong ng pag-guide sa kaniya ni Alvira ay unti-unti na siyang nasanay sa mga pang-araw-araw na ginagawa ng mga guro sa isla at kalaunan ay nagustuhan na niya ang pagtuturo sa mga bata. Habang si Lennox naman ay nagpatuloy pa rin sa pagsunod sa mga ibinibigay na mission ni Millian, kasama na ro'n ang paghahanap sa documents na ninakaw sa kanila. Madalang na lamang kung magkita ang dalawang magkaibigan dahil sa pagiging abala nila sa kani-kanilang mga trabaho. Minsan ay hindi na umuuwi ng isla si Lennox dahil sunod-sunod ang mga misyong ibinibigay sa kaniya, ang palagi na lamang niyang kasama sa mga ibinibigay na mission ay si Jeffrey.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD