P r o l o u g e

1496 Words
P r o l o u g e   Maxwell   " Kuya, huminahon k--------- tila wala akong narinig na nilagpasan ang aking bunsong kapatid na si Maxene. Isa lang ang pakay ng aking mga paa.. wala akong nakikita sa paligid kahit tunog wala akong naririnig. Dahil kating kati ang aking mga kamay na mahawakan ang demonyong lalaking iyon na isa sa pumatay sa aking buong pamilya. I am taking big step para marating ko ang lugar na pinakukulungan ng lalaking iyon. Sa tagal tagal ng panahon na hinanap ko silang lahat natyempuhan ko rin ang isa sa kanila.   Bryant Gregory Andaya.. Drug Pusher Rapist Murderer   "Kuya! " " Kuya!" " Col.! "     Sabay sabay nilang tawag sa akin pero mistula akong bingi dahil ang aking mga mata ay nakatutok sa lalaking nakaupo sa isang silya habang nakaposas ang mga kamay at yukong yuko ito na parang natutulog. Amoy na amoy sa loob ng interogation room na aming kinalalagyan ang lakas ng tama nito ng dahil sa alak.. gulo gulo ang mga buhok nito, sira sira ang damit na suot at may munti pang mga dugo na hindi ko malaman kung saan nanggaling.   " Bitawan niyo ako!! Papatayin ko ang hayup na yan! Bitawan. niyo .ako! " halos kulang ang limang sundalo na pumipigil sa akin para hindi ko tuluyang masakal ang lalaking walang kamuwang muwang kung sino ako. Pero hawak hawak ko na ang  leeg niya ng buong higpit.. hindi malaman ng aking mga kasama kung paano nila aalisin ang mga kamay ko doon.. may nakahawak sa aking baywang, dalawa sa magkabilang balikat ko at dalawa sa aking dalawang braso.. pero hindi nila ako mapigilan dahil tila ako sinaniban ng masamang espiritu at ang tanging gusto kong gawin ay tanggalin ang lahat ng hangin sa baga ng lalaking nasa aking mga kamay.     " arrrrckkkkk----- arhggggg---hahhhh---arrrkkk-------     " Kuya!! please!! tama na yan!! huminahon ka!! sa tingin mo ba kapag napatay mo ang lalaking yan ngayon maitatama mo na ang lahat!! mabibigyan mo na ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya mo!! Hindi kuya.. hindi mo makakamit ang katarungan kung dudungisan mo ang mga kamay mo!! Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang batas!! And for your information, jurisdiction ko ito!  ako ang nakahuli sa kanya kaya wala kang karatapang gawin ang gusto mo dito kahit na mas mataas ka sa akin Col.! " puno ng talim, diin at galit ang mga binitawang salita sa akin ni Maxene. Nasa gilid ko siya habang nakahawak sa aking kanang kamay at pilit na tinatanggal ang mga daliri ko na mahigpit na mahigpit na nakahawak sa leeg ng lalaking iyon.  Kunut na kunot ang kanyang noo,  doon ko lang napansin ang putok niyang labi at ang pamumula ng kanyang kanang pisngi. Instinct na nabitawan ko ang leeg ng hayup na lalaking iyon sa aking harapan at mabilis kong hinatak papalapit sa akin si Maxene at buong ingat kong sinapo ang kanyang magkabilang pisngi. Pinupunasan ko ang kanyang gilid ng labi na may bahid pa ng dugo, tagis bagang na tinanong ko siya.  " Sino ang gumawa niyan sayo Leila? Sino?"     Pinalis niya ang aking mga kamay at lumayo siya ng ilang pulgada sa akin. Huminga ito ng malalim at tila balewalang umiling. " Wala ito Kuya. Malayong malayo sa bituka, mawawala din ito pagkalipas ng ilang araw. Parang di ka na nasanay na makitaan ako ng dugo at pasa. Nasa linya ng trabaho natin ang masaktan, magkasugat, mabaril and worst ang mamatay. "     " Sino?! " tumalikod ako sa kanya at isa isang tiningnan ang kasamahan niyang pulis na nasa paligid. Kuyum na kuyom ang aking mga kamao, kilala ko si Maxene kahit anong piga ang gawin ko sa kanya hindi yan magsasalita lalo na at may taong masasaktan sa akin. Kaya kong pumatay para sa kanya, kaya kong gawin ang lahat lahat basta para sa kanya.  " Mga P*tang ina kayo, wala bang magsasalita sa inyo kung sino ang nanakit kay Leila!! "     " Kuya, ano ba?! Wag mong intindihin ang pasa at putok kong labi. Kaya kita pinapunta dito dahil para ito sayo.. para ito sa pamilya mo.. para mabigyan ng k--------     " Ako, ako ang may gawa niyan sa kanya. Pakialamera!! hahara hara sa daraanan ko kaya binigwasan ko n------------     boooogssshhhh   bulagta siyang bumagsak sa aking harapan.. pero hindi pa ako nakontento doon hinatak ko siya ulit  patayo.. amoy na amoy ko ang nakakasulasok na amoy ng alak.. bangag ang hayup na ito.. bangang sa bawal na gamot.. ngising ngisi siya sa akin. .  na mas nakapag painit pa lalo na aking ulo at dugo.     " Col.!!"   " Kuya!! taena!! awatin niyo!! awatin niyo! ano pa ang itinatayo niyong lahat!! ilayo niyo muna si Kuya dito!! ngayon na !! ano ba!! magsikilos na kayong lah------------ Kuya!! kuya ano ba!! -------------- Perez!! hatakin mo muna si Kuya Mamorou sa conference room---------     " Pero Kap nasa meeti--------   " Gago!! wala akong pakialam!! basta mahatak mo lang siya dito!! hindi ko kaya si Kuya Maxwell at lalong lalo na hindi niyo siya  mapipigilan!! tumakbo ka na doon and drag my brother  ass down here now!! thats an order goddamit!! "     " Kuya!! Kuya Maxwell!! "   " Nasaan ang mga hayup na kasamahan mo?!! Nasaan ang mga kasamahan mong pumatay sa aking buong pamilya?!! Nasaan!! " para siyang ragdoll na inalog alog.. hindi ko ininda ang laki ng kanyang katawan kagaya ng akin.. matangkad siya at may bahagyang katabaan pero dahil sa galit ko kinaya kaya  ko siya.     Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. " Ikaw b-ba ang b-batang l-lalaking i-iyon? ang batang lalaking n-nakaligtas ng g-gabing -----     " Ako nga. Ako ang batang iyon!! ang batang naging ulila dahil sa mga kayupan niyo!! Does Leonilde ring a bell to you a*shole. I am waiting for this day my entire life.. and now that I found you I am going to punish you all from all of your sins.. na kahit sa impyerno hinding hindi na kayo tatanggapin ni satanas dahil sa mga kasalanan niyong lahat!! Now tell me, nasaan ang tatlo mo pang kasama!! Nasaan!?" halos tumirik ang kanyang mga mata dahil sa pagkakadaklot ko sa kanyang leeg.. he's breathing very hard pero bago pa ako tuluyang mawala sa aking sarili may humawak na sa aking kanang kamay at pinilipit iyon sa aking likuran.. pasalampak na nabitawan ko siya at dahil masakit ang pagkakapilipit sa akin ni Maxene at alam kong kapag pumalag ako sa pagkakahawak niya major injury ang matatamo ko.  " Col. ipapaalala ko ulit sayo. This is my jurisdiction at sabit ka lang dito. Ako lang may karapatang mag interrogate sa kanya hindi ikaw. You were just here dahil magsasampa ka lang ng kaso no more no less, Kuya. At kung ayaw mong mabaldado habang buhay I suggest you behave. Dahil hindi ako nakikipagbiruan sayo . "     " K-Kung gusto mong m-malaman ang pinagtataguan ng mga kasama kong n-ng gabing iyon.. m-may isang pabor akong hihilingin sayo.. ------------- gusto kong matawa sa kalokohang sinasabi niya ngayon sa aming harapan. Seryoso ba siya? humihingi siya ng pabor sa akin?  sa akin ? Hindi ba pumasok sa kukote niya na galit na galit ako sa kanya! na kung ako ang masusunod ako mismo ang papatay sa kanya! Adik ang gagong ito!! Siraulo! Bangag!  " I-Iligtas m-mo ang k-kapatid k-ko.. m-mailigtas mo l-lang s-siya sa mga k-kamay ng mga d-demonyong yun at ituturo ko sayo ang p-pinagtataguan ni-nilang tatlo. P-Parang a-awa m-mo na m-mabuting t-tao ang k-kapatid ko.. w-wala s-siyang k-kasalan.. n-nadamay l-lang s-siya d-dahil a-akala n-nila t-tinakbuhan k-ko na sila.. I-Iligtas m-mo ang k-kapatid koooooo.. I-Inosente siya.. m-madre s-siya.. a-at k-kung hindi ako kikilos n-ngayon m-maaari s-siyang m-mapahamak s-sa mga k-kamay n-ni S-Supremo. "   Inosente.. Madre..   Anu namang pakialam ko!! Tama lang yan sa kanya!! Ito na ang k-karm----------   " S-Saang kumbento? Anong pangalan niya?" mabilis na tanong ni Maxene bago ko pa siya mapigilan.     " S-San Ignacio M-Monastery.. C-Celestia Florina A-Andaya ang pangalan niya. T-Tulungan niyo a-ako bago m-mahuli ang l-lahat. "     " Kay Satanas ka humingi ng tulong gago!! "   " Kuya!! "   " No Leila!! wala akong pakialam sa kahilingan niya!! Karma ang tawag sa ganyan! Kinakarma na siya dahil sa ginawa nila sa ate ko!! So what make you think na masisikmura kong tulungan ang kagaya niya gayung gustong gusto ko siyang patayin sa pamamagitan ng aking mga kamay!! hell!! kahit mawalan ako ng ranggo at matanggal ako sa serbisyo mapatay ko lang siya! matatahimik na ako!! " galit na galit kong sigaw sa kanya. Pabalya akong binitawan ni Maxene at nanlilisik na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko kung paano kumuyom ang kanyang mga palad na parang susuntukin niya ako. Damn! I made her angry but who cares! hindi niya ako naiitindihan!! at kahit kailan hindi niya ako maiintindihan dahil hindi niya naranasan ang masaktan at mawalan ng mahal sa buhay!.   " Fine!! I dont fvcking need your help Col.! Since you dont want to help him, I will!! Ako ang tutulong sa kanya kahit ikamatay ko pa Kuya, para lang malaman ko kung saan nagtatago ang mga taong iyon na pumatay sa buo mong pamilya! Ako na lang ang tutulong sa kanya para sayo since wala ka namang pakialam! "     Natigilan ako.. Natigalgal..   Not her.. Not Leila.. Hindi ko kaya kung pati siya ay mawawala sa akin..     " Fine!! Goddamit!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD