Chapter 20

1813 Words
Andito na kami sa tabing dagat, nakaupo lang kami ni Cham habang nakatuwid ang mga binti namin yung saktong nadadaanan lang kami ng mga alon hanggang bewang. Kanina pa kami nagkwenkwentuhan ng puro tungkol sa akin. Hanggang sa nagulat ako sa sumunod na tanong niya. "If i may ask din may asawa ka na ba?" natatawa ako sa tanong niya actually. "Wala po." "Boyfriend?" tanong niya ulit. "Lalong wala rin po." "Pero meron dati?" "Wala rin po, busy kasi ako sa school at training tapos diretso work na kaagad pagka-graduate." "Pareho tayo, busy ako sa school while working pa yun then diretso work din pagkatapos ko. First boyfriend ko si Thor, masarap kaya mainlove. Ilan taon ka na ba if okay lang tanungin?" "Bente sais." "Until now wala ka pa rin naging boyfriend?" napatingin ako kay Cham at tumango as an answer habang nakangiti, parang ngayon lang siya nakarinig ng wala pang naging boyfriend sa edad ka-edad kong bente sais. "Well baka hindi pa lang dumadating, pero lalaki ba type mo? Sorry sobrang curious ko sayo ang dami kong tanong. Just tell me if nakaka-offend na ang mga tanong ko." "Hindi rin ako sigurado, pero humahanga ako sa babae." "Hello girls." sabay kaming napalingon ng tawagin kami ni Bon, kasama sila Thor and Russ. "Lovey." nakangiting tawag ni Thor kay Cham, inilahad nito ng kamay niya para tulungan tumayo si Cham at ako naman ay sumunod ng tumayo. "Bro maglalakad lakad lang kami ni Cham." paalam ni Thor kay Bon. "Andy babalik din kami kwentuhan ulit tayo pagbalik namin." paalam sa akin ni Cham. "Sige no problem, enjoy kayo." "Andy." tawag sa akin ni Congressman. "Po." "Samahan mo kami ni Russ uminom." napatingin ako kay Russ. "Sige na Andy safe naman daw dito sabi ni Boss private tong place ni boss kaya wag ka mag-alala na uminom tayo, minsan lang naman to chill chill lang." sulsol ni Russ. Kahit kailan hindi makagets nang tingin ko na ibig sabihin na iligtas ako. Wala talaga! "Tara na Andy may beer naman dito if ayaw mo ng whiskey." "Okay po." naglakad na pabalik si Congressman papunta sa veranda sinundan ko na sila ni Russ. "Ano gusto mo redhorse or san mig light?" tanong ni Congressman sa akin. "Wait lang po ah magbabanyo lang po ako." pumasok muna ako para magpalit sobrang ikli talaga ng short ko hindi ko kaya suotin to ng sobrang tagal kaya pumunta ako sa guestroom naligo ako ang dami kasing buhangin din sa katawan ko nagpalit na ako ng leggings ko at ng manipis na white tshirt. Pagdating ko sa veranda ay nakatingin sa akin si Congressman. "Oh nagpalit ka na kaagad? Baka magyaya pa si Cham magswimming mamaya." "Hindi po ako komportable sa suot ko." "Ah okay sige eto na mga beer pili ka na lang, eto rin baso at may ice na rin yan." iniabot niya sa akin ang dalawang beer inabot ko ang redhorse. "Salamat po." nilagyan ko ng yelo ang baso at pinuno ito ng beer. "Kanina pa kami nagkwekwentuhan ni Russ, wala tayo sa trabaho ngayon kaya parang tropa tayo dito na nag-iinuman. Gusto ko naman kayo makilala hindi as a bodyguard as a normal person." Tahimik lang si Andy habang nagsasalita si Congressman, sinimulan na din niya inumin ang beer na hawak. "Maguumpisa ako, i just turned 34 noong last birthday ko i studied BS Economics sa La Salle. Single pa, what made me decide to enter politics bata pa lang ako hilig ko na talaga sumali sa mga organizations especially when i entered College isa ako sa nanalong Sanguniang kabataan when i was seventeen years old doon nagsimula. Syempre hindi mapagkakaila na malakas din ako sa mga kababaihan non lalo na noong bata ako mas malakas ang karisma ko alam niyo na hakot ang mga boto ng mga kababaihan hanggang sa naging board member ng ilang taon hanggang sa nanalo na ako ng Congressman." Pinipigilan naman ni Andy matawa, ang kulit ni Congressman magbuhat ng bangko eh. Well totoo naman malakas talaga karisma ni Congressman sa mga babae hindi naman mapagkakaila. Ang haba ng kwento ni Bon sa journey niya sa politics ang mga nagawa niyang projects sa Manila since bata pa siya hanggang nitong mga nakaraan sila lang ni Russ ang nagsasagutan, nakikinig naman ako pero hindi lang ako nagpaparticipate sa usapan nila. Umiinom lang ako at kumakain ng pulutan, ang daming choices mga iba't ibang inihaw, dinakdakan at sisig. Nagpaalam muna magbanyo si Congressman. "Hoy Russ ang dami mo na naiinom baka mamaya kung ano ano ang mabanggit mo ah, sundin mo yung nilagay don sa resume natin pag tinanong kung anong course natin ah." ang laki ng ngiti ni Russ parang may tama na tong lalaking to. Ubos na nila ang isang bote eh, nang dumating ako konti lang bawas nito eh. "Oo naman Andy, hindi ko yan nakakalimutan kahit lasing na ako promise." Sinimangutan ko siya at nagbukas na lang ako ng beer ulit, matagal na din ako hindi nakakainom kaya parang ang sarap ng beer ngayon. Mukhang nasa mood ako uminom. "Alam mo ba." ani Russ. "Ano?" "Wala nakalimutan ko na." pang-aasar ni Russ. "Gusto mo ng batok magsasabi sabi ka hindi mo naman itutuloy." "Hehe secret na lang. Hindi naman mahalaga." sinipa ko nga si Russ sa binti "Ahh a-aray a-aray naman mapanakit ka talaga." napayuko si Russ sa sakit habang hinihilot hilot ang binti niya. "Wag mo na kasi ako binibitin sa sinasabi mo, dadagdag ka pa sa isipin kong baliw ka eh." "Oh anong nangyari sayo Russ?" kararating lang ni Congressman, naabutan nito ito na hinihimas ang binti na nakataas na sa upuan. "Ah wala to boss tumama lang dito sa mesa." inirapan siya ni Andy after niya magsalita. "Ikaw Andy okay lang ba diyan?" "Ayos lang boss." sagot ko sabay thumbs up sa kanya. "Ayos ka ba talaga Russ kanina mo pa himas yang binti mo." natatawang puna ni Bon. "Grabe po pagkakatama boss solid talaga eh. Hindi na mauulit." nakangiting aso na sagot ni Russ sabay tingin sa akin. "Mukha nga eh. Matigas talaga tong mesa na to made sa narra kasi." paniwalang paniwala ito sa alibi ni Russ. "Kaya nga boss, mag-iingat na po ako sa susunod." "Andy ano pang gusto mong pulutan papaluto natin." sa akin naman bumaling si Congressman. "Okay na po to, ang dami na nga po." "Sige sabihan mo lang ako pag meron kang gusto." nireplayan ko lang siya ulit ng isang thumbs up. Nagkwentuhan ulit sila ni Russ, tuwing mauubos ko na ang beer ko ay agad naman nilalagyan ni Russ or ni Congressman ng panibagong bote ang tapat ko. Medyo madilim na ng makabalik sila Cham at Thor. "Ang tagal nitong dalawa na to pang one and half na bote na namin tong iniinom namin." reklamo ni Bon pagdating nila. "Dami niyo na nainom, Andy ikaw din ah." napansin ni Cham ang mga bote ng beer sa tabi ko. Inabutan ng shot ni Congressman ang dalawa para makahabol daw after non ay may inabot si Cham sa amin na mga tshirt. "Salamat dito Cham." "You're welcome. Wait lang ah iaakyat ko lang tong mga pinamili namin." "Tulungan na kita lovey." umakyat muna ang dalawa. "Sir Bon, maghahain na po ba ako ng hapunan?" si Manang. "Hindi na ako kakain ng kanin Manang mga pulutan lang, paihaw na lang ako ulit ng pusit at liempo. Kayo ba kakain pa kayo hapunan?" tanong nito sa amin. "Hindi na po. Busog na ako sa pulutan pa lang." sagot ko ganon na din ang sinagot ni Russ. "Ikaw naman Andy magkwento ka, something about yourself." napatingin ako kay Bon. Tahimik lang kasi ako kanina pa, dinadama ko lang ang beer at ang tunog ng alon ng dagat ang sarap na combination. "Wala naman po ako makwento boring ang buhay ko." "Mukhang hindi naman, like ilan taon ka na nga ba ulit at ilankayo magkapatid anong course mo ganon." "Hmm twenty six na ako, dalawa lang kami magkapatid kuya ko teacher ako ang course ko." shocks nablanko ako bigla. Nakatingin sa akin si Congressman at parang naghihintay ng sagot ko. "Bs Psychology pero hindi ko natapos." buti naalala ko na. "Wow interesting yung course mo." Ang daming mga tanong ni Congressma tungkol sa mga napag-aralan ko noong college hinulaan ko na lang, mahigit kalahating oras din nawala sila Cham at Thor pagdating nito ay may dala na nila kasama si Manong ang videoke nila. Yung literal na videoke na nilalagyan ng coins. "Buhay pa pala to. Ako bumili nito eh siguro mga eight years na to." ani Bon sa kapatid niya. "Working naman ata kaya lang hindi na nabilhan ng mga bagong songs." sinet-up ng dalawa ang videoke at nagsimula na sila mamili ng kanta. "Cham magbeer ka na lang din may san mig light diyan." tumabi sa akin si Cham at kinuhaan ko siya ng baso at yelo. "Sige." Hindi kami nakaligtas ni Cham sa videoke lahat daw kailangan kumanta, infairness sumaya ang inuman ng dumating ang dalawa sila kasi ang tinutukso ni Bon. Hindi nababakante ang videoke kanta ng kanta si Bon at Russ, hindi ko namalayan na mag alas onse na pala. "Kasama ka pala sa dumadalaw sa akin noong nasa hospital ako?" tanong ni Cham sa akin. "Yes kasama ako don. Hindi ko nga expected na si Thor ang boyfriend mo pala, kala ko nililigawan ka ni Bon." "Oo long story kasi pero inexplain ko naman kay Bon lahat yun kaya naiintindihan naman niya." "Andy." napatingin ako kay Thor ng tawagin ako. "Si Tyler hinahanap ka." iniabot ni Thor ang cellphone niya sa akin naka videocall pala. "Hi Andy." bati nito while waving his hand. "Excuse me Cham ah." tumayo ako lumayo medyo maingay kasi ang videoke. "Hi." balik na bati ko sa kanya. "Sayang hindi ko alam na nag-out of town kayo kasama ka pa, sana pala sumama ako." "Biglaan lang ata tong lakad na to." "Kamusta ka na? Hindi matuloy tuloy ang meet up natin." "Yeah sobrang busy eh may inaasikaso rin kasi ako tuwing restday ko." "Ang ganda diyan ah." nilibot ko ang cellphone sa paligid pati sa dagat. "Sobrang ganda dito parang ang peaceful ng pakiramdam." "Sayang talaga. Gusto pa naman kita makasama sayang late ko na kinontak si Thor." "Malay mo may next time." "Sige bibilin ko kay Thor na isama ako next time." "Oh siya paano nakakahiya kay Thor cellphone niya to ibabalik ko na ah." "Okay see yah soon." Nauna na ako nag-end call, pagtayo ko nagulat ako pagharap ko andito pala si Congressman. "Ah bakit po?" nakayuko siya ng bahagya at nakatingin lang sa akin. Mas lalo akong nagulat ng hawakan ni Congressman ang magkabilang pisngi ko, nanlaki ang mga mata ko sa bilis ng pangyayari. Nang maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko and in a snap i can feel butterflies in my stomach crazily clapping their wings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD