Chapter 7

2002 Words
Papunta na kami sa studio ng kaibigan ko, umuwi na si Jorge restday niya pag sabado si Lucas, Russ at Andy lang ang kasama ko ngayon. SI Lucas ang nagmamaneho ngayon katabi niya si Russ sa harap at si Andy ang nasa gilid ko tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Samantalang ang dalawa sa harap masayang naghuhuntahan. Sa Quezon City ang destinasyon namin since sabado trapik talaga dito sa EDSA, after lunch kami umalis pero quarter to three na kami nakarating. "Congressman magandang hapon sayo, malugod akong makita kita dito akala ko hindi ka na darating eh." bati sa akin ng kaibigan ko kaklase ko noong high school to. "Napakaseryoso mo naman Norman, matrapik tol kaya ang tagal namin. Heto pala ang mga bodyguards ko kasama ko silang mag-eensayo." "Wow astig ah may babae kang bodyguard." anito at nakatingin kay Andy samantalang si Andy ay nakatuwid lang nakatayo at patingin tingin sa paligid. "Bago ko pa lang silang bodyguard, yung isa medyo matagal na. Saan ba kami maguumpisa yung magandang pang self defense." Dinaluhan na kami ni Norman papasok sa studio niya malaki ang studio niya at may iba ibang division ang lugar kung saan iba iba din ang martial arts na pwedeng pag-aralan dinala niya kami sa pinakadulo sa gitna ay may parang boxing ring kung saan nagspasparing ang dalawang tao . Sa gilid ay may iba't ibang nageensayo at meron din mga nasa ring na at doon na ginagamit ang natutunan nila. "Tol dito ang maganda na una mong matutunan, muay thai." tinuro niya ang mga nasa paligid na tinuturuan ng mga coaches nila, mukhang kakayanin ko naman. I'm not into these kind of thing, tamad kasi ako sa physical activities noong nag-aaral ako mas gusto ko pang mag-aral lang. "Hindi ba masakit sa katawan to tol?" tanong ko sa kanya ng makita ko ang nasa ring, totohanan talaga eh. "No pain no gain Congressman, kaya mo to i will introduce you to the best coach hindi ako mapapahiya dito sigurado ako. May mga dala ba kayong damit? If wala meron ako dito." "Sports short lang tong dala ko at sando pwede na siguro to noh?" tanong ko. Yung dalawang lalaki kong bodyguard may dala din shorts at sando. "Ikaw Andy may dala ka bang pamalit?" "Meron congressman." "Sige tol magpalit muna kayo, papakilala ko sayo ang magiging coach niyo pagbalik niyo." Sabay sabay kaming natapos nila Russ at Lucas, paglabas namin ng banyo andon na si Andy nakaupo ito habang nakahalukipkip nakatingin ito sa mga nageensayo. Naka shorts ito na black at sandong black habang nakapuyod ang buhok nito na pabilog na sobrang taas halos nasa tuktok na ito ng ulo niya may ankle guard na rin na nakasuot sa mga paa niya napansin ko tuloy ang mga legs niya maputi pala siya. Hindi ko masyadong napapansin noong mga nakaraan medyo balot kasi siya kung magdamit. "Tol eto si Franco isa siya sa champion ng muay thai sa Asia." "Hi Congressman nice to meet yah." isa itong mestisuhin mukhang may lahi. "Hello Franco here are my bodyguards, Lucas, Russ and Andy." nakipagkamayan kami kay Franco. "Medyo nosebleed tong si Franco tol pero marunong naman ng tagalog yan medyo hirap lang siya kaya mo yan, ako ay aalis na muna enjoy kayo tol." tinapik ako sa balikat ni Norman bago umalis. Pinahilera kami ni Franco na dalawahan na may sapat na layo sa isa't isa magkatapatan kami katabi ko si Lucas, katapat naman ni Lucas si Russ at ang katapat ko naman ay si Andy. "Hello everyone i'm Franco, we will start our class by giving you idea what is Muay Thai all about, Muay Thai sometimes referred to as "Thai boxing", it's a martial art and combat sport that uses stand-up striking along with various clinching techniques. This discipline is known as the "art of eight limbs" as it is characterized by the combined use of fists, elbows, knees and shins." after magkwento nito ni Franco nagstart na kami mag-stretching. "Stretching before and after you train is vital if you want to avoid muscle injury, you should stretch your entire body before you train." "First, stand with your feet together facing forward, lean down from the hips and touch your toes" una palang na stretching parang tumunog ang balakang ko. Sinusundan ko lang ang mga ginagawa ni Franco. "While facing forward, spread your feet apart as wide as you can. Then lean forward and bring your hands to the floor, walk your hands forward as far as you can, and then backwards as far as you can. Then move your right hand to your right foot, hold, and repeat with the left." napapangiwi na lang akong lihim ang sakit sa balakang. Eto mahirap sa matangkad eh ang haba ng mga bias ko. Eto ang hindi ko inaasahan we need to be in a split position feeling ko mabibiyak ang short ko. "From the splits position, move onto your heels and sit down on the floor with your feet as wide apart as you can manage. From there, lean forward and stretch your arms out on to the floor." parang matutuloy ang pagsplit ko nito sa sahig, dapat kasi nakasplit pero hindi lalapat sa sahig. Potek hindi ko kinakaya tong mga stretching na to akala ko simpleng stretching lang, pinipigilan kong tumawa para akong ewan naiimagine ko sarili kong hirap na hirap. Napatingin ako sa katapat ko, si Andy parang mani lang sa kanya yung mga ginagawa namin habang ako pinagpapawisan na ng malapot. "You're doing it so right girl." puna ni Franco kay Andy, hindi sumagot si Andy nginitian niya lang ng maliit si Franco. Grabe tong stretching na to bente minutos bago matapos. Nang sinabi ni Franco na natapos na napaupo talaga ako na nakastraigth ang mga paa. Sobrang nanibago ang mga muscles ko. "I will teach you the basic stance how the foot and hand works. Okay first take a single step forward with your lead leg, the distance between your feet will be the same as your shoulder width then point your lead foot in front of you, and your rear foot away from you at a 90 degree angle, bend your knees slightly and shift your weight to your rear leg, for your guard, raise your arms until your fists are in line with your eyebrows." Nakakaaliw din pala, halos dalawang oras na kami nageensayo. Break muna, tinawag ni Franco si Andy at andon sila sa malayo naguusap mukhang pinapakilala si Andy sa mga babaeng nageensayo din. "Anong meron?" hindi ko mapigilan na magtanong kay Russ. "Boss nalaman kasi ni Franco na may alam na si Andy sa muay thai." "Well halata naman, kaya siguro napansin." napatingin ako ulit kung nasaan si Andy, masayang nagkwekwentuhan ito kasama ng iba pang babae. After ng break time namin ay bagong lesson na naman may mga kasama ng props like upuan at kicking bag. Sa next session namin ay inabot din kami ng dalawang oras. "We will have a partner sparring just to check if you can apply what i teach you guys." may kasama na si Franco na tatlong lalaki at isang babae namakakasparring namin. Mga student din niya ito pero mas advance sa amin ilang session na rin silang nag-aaral. "Franco how many sessions did she take already?" tanong ni Andy dito patungkol sa babaeng makakasparring niya. "Four?" "Sorry but i can't be partner with her, please find me another partner i want the more advance one." napatingin ako kay Russ at Lucas. "Kawawa yan boss kaya ayaw niya." bulong ni Russ. "How advance that you want?" seryoso pero nakangiting tanong ni Franco. "I want the one with the black and red band." "Ano ibig sabihin nun Russ?" "Naku boss hindi ko rin alam." "Okay sure we will have Melinda sparring with you later." "Who is Melinda?" i butt in. Hindi kasi ako makarelate sa pinaguusapan nila. "She's one of our instructor." napaawang ang bibig ko. Instructor ang gustong makasparring ni Andy? "Ayos! Excited na ako manood." komento ni Russ. "Mukhang ako din excited na ang cool kaya ng mga babae na marunong sa martial arts." ani Lucas. Tahimik lang ako at hindi na nagkomento, gusto ko rin mapanood. Sinabi na ni Franco sino magigiging partner namin sa sparring, matangkad din ang makakasparring ko. "Congressman wag mo masyadong galingan ah." sabi ng partner ko. "Baka ikaw kakaumpisa ko lang ngayon mag-aral ah wag mo masyado seryosohin ah baka magka-blackeye ako may meeting pa naman ako sa Monday." biro ko dito. Magaan na sparring lang ang naganap ang masasabi kong nag-enjoy ako, 10 minutes lang na practice. Wala si Andy dito andon na siya sa may bandang ring. Tapos na ang oras ng pageensayo pati ng ibang estudyante tuwing pagkatapos daw ng klase ah meron daw talagang isinasalang sa ring, at ngayon si Andy ito ang instructor na si Melinda. Halos magkalikahan ng tangkad ito at si Andy match na match lang, mapapansin sa dalawa na inaalagaan ang mga katawan firm ang mga braso at legs nila Andy at Melinda. "Tol, yung bodyguard mo yan ah." napalingon ako sa tumapik sa balikat ko si Norman. "Sino bet mo?" tanong sa kaibigan ko. "Magkano ba?" natatawang tanong nito. "Name your price." matapang na sagot ko. "Sa alaga ko syempre Melinda ako, fifty kiyaw." "Okay deal." Nagsisimula na magsuot ng mga protective gear sila Andy at Melinda mula paa, kamay at ulo meron din sila pati mouth piece. Naririnig ko din si Lucas at Russ na nagpupustahan, natawa na lang ako ng lihim. Sana hindi ako mapahiya kay Andy, malaki laki rin ang bet ko. Nagsimula na, nakatitig lang ako sa bawat galaw ni Andy. Nagkakasukatan pa sila ng mga animoy parang nagsasayaw ang dalawa at parang umiikot sa loob ng ring. Nagulat ako ng unang umatake si Andy, nasuntok niya ang mukha ni Melinda na nakatago sa mga nakataas na kamay na may boxing gloves. Nakitang kong napangiti si Melinda nang makarecover at parang may sinabi kay Andy pero hindi ko na narinig. Nagpapaulan ng sipa na si Melinda pero lagi itong naiilagan ni Andy, hindi ako makapaniwala sa bilis niya. Parang akala mo tubig na pag madadaanan ng mga binibigay na suntok at sipa ni Melinda ay hindi ito natatamaan. Bilang lang ang mga binibigay na suntok at sipa ni Andy pero lahat pasok, ngayon nga ang nasipa ni Andy si Melinda sa tagiliran niya at napansin kong napatigil siya ng saglit pero ngumiti pa rin si Melinda. "Saan ba galing yang bodyguard mo?" bulong ni Norman, halatang natatakot na siyang matalo. "Relax tol." pang-aasar ko. "Paano tol, ang galing ng technique niya hindi siya magalaw para hindi siya kaagad mapagod pero once tumira na siya talagang solid tol. Galing ng technique niya parang professional." Bumalik ang tingin namin sa dalawa na nasa ring, shocks feeling ko ako ang nasaktan. Na upper cut ni Andy si Melinda ng magiiwas sana ito pero sumakto kaya tumalsik ang mouth piece nito. "Oh sorry." paulit ulit na sinasabi ni Andy dito. "No no no it's okay, let's continue." binigyan ito ng panibangong mouth piece. Nakakatama na si Melinda kay Andy pero hindi ganon kasolid katulad ng mga binibigay ni Andy, napa "Woah" kami lahat sa huling pinakawalan na sipa ni Andy ay tumalsik si Melinda. Sports lang tignan si Melinda dahil nakangiti pa rin siya, lumapit sa kanya si Andy at nilahad ang kamay nito para tulungan ito tumayo. "Grabe ang galing mo tol, hindi ako makapaniwala." narinig kong sabi ni Melinda andito kasi siya banda sa side namin. "Hindi naman." mahinang sagot ni Andy. "Anong hindi naman, hindi ako makaganti sayo ng todo ang bilis mo pagod na pagod ako sa kakahabol ng tira ko pero sablay halos lahat. Ayoko na. Panalo ka na tol." niyakap ni Melinda si Andy at pagkatapos non ay itinaas nito ang kamay ni Andy. "Woooooooh si Andy yan , Andy lang malakas!" sigaw ni Russ, sabay abot ni Lucas ng talo niyang one thousand.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD