“Okay na ba kayo rito ng mga bata?” tanong ni Abner kay Lyrica. Nasa bayan sila ng Pamplona sa Visayas. Umarkila ng pribadong chopper si Lorenzo gamit ang ibang pangalan, at may binayaran din itong ordinaryong sibilyan na siyang nag-asikaso sa lahat ng transaksiyon. Cash lahat ang ginamit na pambayad. Sinadya rin nitong mag-book ng ticket patungong Cambodia, at isa pang patungo namang Singapore. Iyon ay para iligaw ang mga tauhan ni Morris. Lorenzo deliberately used his cards to pay for the tickets, because he knew that someone was monitoring his bank transactions. Hindi na ito nagtataka, dahil tunay na makapangyarihan ang mga de Crassus. Kahit pa sabihing isa rin si Lorenzo sa may malalakas na impluwensya bilang isa sa mga Capos ng Oxiris. Ang kaunting oras na nakatutok ang atensyon ni