CHAPTER 23

1995 Words

Sa isang malaking bahay na nakatapat sa kulay bughaw na karagatan tumuloy sina Morris at ang kasama nitong babae. Tahimik lang na nakasunod sa likuran ng mga ito si Lyrica, pinagmamasdan ang bakas ng mga sapatos sa buhanginan ng dalawa. Kung saan humakbang ang mga ito ay doon din lumalapat ang sapatos niya ngayon. Alipin. Sumikip ang dibdib niya nang maalala ang sinabi ni Morris. Ganoon lang siya para rito. Alipin lang ang tingin nito sa kanya. Habang nakasunod siya sa mga ito ay mas lalong pumapait ang dibdib niya. Humahapdi ang lalamunan niya. Dahil mas nakikita niya kung gaano katotoo ang sinabi ni Morris—na siya ay isang alipin lamang para rito. “Bakit hindi tayo sa pavilion magpahatid ng meryenda?” mungkahi ng babae, nakatingala ito kay Morris at matamis na nakangiti. Dahil sa ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD