May ibinigay si Morris na maliit na papel kay Lyrica. Maang na napatingin ang dalaga sa mga daliri ng binata kung saan nakasipit ang papel at pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa kabuuang pigura ng binatang nakahiga lang sa kama. Suot pa rin nito ang duguang damit. “Ano iyan?” tanong niya. “Phone number of someone who can help me. A doctor.” “Bakit hindi na lang kita isugod sa ospital ng Santa Catalina? Mas maraming doktor d’un.” Matigas itong umiling, mababakas ang malamig na pagtutol sa mga mata nito. “Sundin mo na lang ang gusto ko.” Napabuntong-hininga siya. Wala rin naman siyang magagawa. May palagay siyang hindi niya ito mapipilit na magtungong ospital. Kaya tinawagan na lang niya ang numerong nakasulat sa papel. Hindi nagtagal ay dumating naman ang doktor na sinasabi nito