“How does it feel to have a wife?” pormal na tanong ni Morris kay Giulio. Hinagilap niya ang sigarilyo sa drawer ng mesa at nagsindi ng isang stick. Nakaupo si Morris sa likod ng malapad niyang mesa, sa itim na swivel chair. He was carefully drumming his fingers on the table, habang nag-iisip siya nang malalim. Hindi naitago ng lalaki ang magkahalong pagkamangha at pagkagulat sa itinanong niya rito. “Uhm, hindi ko po alam, Sir, kung ano ang pakiramdam ng may asawa, dahil wala pa naman ho akong asawa,” ani Giulio. “Uhh.” Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha niya. “May mga tauhan ka bang may asawa na?” “Sa tingin ko, meron naman ho.” “Dalhin mo ang isa rito. Gusto ko siyang makausap.” Nahiwagaan sa kanya si Giulio, pero tumango lang ito at nagpaalam saglit. Pagbalik nito ay kasama na nit