CHAPTER 31

2108 Words

Nang humupa na ang init ay mabilis na binitiwan ni Morris si Lyrica. Nawala na ang init ng apoy sa mga mata ng binata at bumalik na ang lamig na palaging nagkakanlong sa mga matang iyon. Maang na napatingala si Lyrica sa lalaki, napaupo siya sa dulo ng kama, pinagmamasdan si Morris habang inaayos nito ang damit. Nang tumungo sa kanugnog na banyo ang lalaki ay sumunod din ang tingin niya rito. Paglabas nito ay nakaligo na ulit ito at may suot nang itim na roba. Namalas ng mga mata niya ang tattoo nito sa katawan na hindi naman lubos na naikubli ng roba. Gustung-gusto niya ang tattoo nito, kahit may isang bahagi ng utak niya ang nagsasabing isa iyong simbolong nagpapahiwatig na mapanganib na tao si Morris. Wala siyang pakialam. Hindi naman siguro ito mamamatay tao, ano? Mukha namang di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD