CHAPTER 18

1347 Words

Halos kalahating oras na siyang nakatayo sa labas ng gate nila ngunit ni-anino ng binata'y hindi nagpapakita sakanya. Kanina niya pa ito tinetext at tinatawagan pero walang kahit anong sagot ang makukuha dito. Napapiksi siya nang marinig ang pagbukas ng main door nila, agad siyang kumilos na akala mo'y papasok palang ng gate. "Oh sakto andiyan kana pala." ani ng Mommy niya nang makita siya "Hi Mom!." bati niya, mabuti nalang ay hindi nito alintana ang lungkot ng tinig niya "Nabili mo naba lahat ng kailangan mo? Bukas na ang alis niyo diba?." tanong nito sakanya habang papasok sila ng pinto Sinulyapan niya pa muli ang labas, umaasang mahahagip ng paningin ang kasintahan ngunit wala talaga kaya't tuluyan na niyang inilapat pasara ang pinto. "Kumain ka muna hija." rinig niya pang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD