Chapter 23

1367 Words

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto. Masyado pang maaga pero abala na ang lahat sa kani-kanilang gawain. Dahil bago lang ako hindi ko alam ang gagawin ko. Siguro mas tamang makipagkaibigan muna ako sa mga tao dito. Bumaba ako first floor dahil nga second floor pa ang kwarto ko. Ibig sabihin araw-araw akong aakyat baba sa mataas na hagdanang nandito. Muli ako napatingala sa chandelier na talaga namang agaw pansin palagi. Tunay kaya ang mga parang diyamanteng nakalawit dito? Napangiti ako ng makita ko ang isang babaeng papalapit sa may pwesto ko. Kailangan kong maging friendly para makusundo ko silang lahat. Kahit na hindi naman ako friendly dati. "Hi, I am Katarina," nakangiting bungad ko dito. May dala itong isang malaking laundry basket na wala namang laman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD