Chapter 30

1391 Words

"Katarina," tawag sa akin ni Alejandro pero hindi ko na siya pinansin. Walang lingong-likod na pumasok ako ng bahay. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Ayoko ring makinig ng iba na kasama namin dito sa bahay ang usapan naming dalawa. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at padapang ibignagsak ang katawan ko sa kama. Ipinagpapadyak ko ang paa ko hanggang mapagod ako. Tumihaya ako at ipinatong nag braso ko sa noo ko. Bumuga ako ng malakas na hangin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Alam ko naman kung saan ako lulugar pero paano ko iyon gagawin kung siya ang gumagawa ng paraan para malito ako? Alam ko naman kung ano ang role ko sa pamamahay na ito pero paano ko gagawin iyon kung minsan umaakto siyang para bang sa akin siya ay interesado? Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD