"Ate! Faster!" narinig kong sigaw ni Kelsy nang dumaan siya sa kwarto ko. Kinatok pa niya ako ng malakas kaya nagmamadali akong nagsuot ng rubber shoes ko. Pagbaba ko ay naabutan ko si mama na nakapameywang sa harapan ng kapatid ko. "Ma, what do you want? I will buy you, just say it," saad ni Kelsy kay mama at mayabang nitong ipnakita ang card ni Kelvin na hawak niya. Kumunot ang noo ni mama nang makita ang card. "Sa kuya mo iyan hindi ba? Bakit nasa iyo?" nagtatakang tanong ni mama. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Well, I predicted something and I was right so I won," pagmamayabang niya. "Ate is getting married," tinakpan ko ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Kung ano-ano pang kabalbalan ang sinasabi. Masyado pa siyang advance sa lahat ng advance. Nagtatanong ang mga