Dumaan ang mga araw na naging normal na ang mga araw ko dito sa bago kung trabaho bilang nanny ni Antalia. Maaga akong gumigising tuwing umaga para sabayan siyang mag-almusal at tulungang magbihis. Sumasama rin ako sa kanya sa eskwelahan palagi para ihatid at sunduin siya. Minsan hindi maiiwasan ang ingay sa pagitan naming dalawa kapag tinutupak siyang magpasaway. Pero mabait naman siya, may attitude nga lang minsan. Nasasanay na ako sa ugali niya. Ako lang yata iyong nanny na nakikipagbardagulan ng lantaran sa alaga niya. Ang ama naman ni Antalia ay madalang ko nang makita dahil palagi na itong busy sa opisina. May office ito dito sa bahay pero madals naman na nasa kompanya ito. Minsan nga hindi ko alam kung nagkaka-usap pa ang mag-ama. Para sa akin pabor na hindi ko palaging nakikita