Lahat na yata ng paraan para maiwasan ko si Alejandro ay ginawa ko. Kapag makakasalubong ko siya dito sa bahay ay agad akong lumiliko o bumabalik sa pinanggalingan ko. Minsan naman nagkukunwari akong hindi ko siya nakikita. Gaya na lang kanina, nakita ko ito sa dining table pero hindi ko ito pinansin. Akala siguro nito ay uupo ako at sasabay sa kaniyang kumain pero mas pinili kong sumabay kina Claribel mag-almusal nang mas maaga kaya si Antalia lang ang kasabay nito. Bakit kasi ang bilis kong na-fall? Daig pa ni flash ang pagkahulog ko. Isang buwan pa lang tapos iniyakan ko na. Lintik lang talaga, tapos nag-feeling pa ako ng husto na mutual nararamdaman namin. Daig ko pa ang umasa sa love at first sight. Ngayon ko lang napagtatanto na napakatanga ko pala. Ang bilis kong nahulog tapos umas