THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 12 DISTRACTION CHANTAL’S POINT OF VIEW. MAHAL ko pa rin si Jayden. Hindi ako makapaniwala na sa walong taon naming magkalayo sa isa’t isa ay siya pa rin itong itinitibok ng aking puso. I hate myself. Dapat ay naka move on na ako sa kanya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga… siya pa rin talaga. “Nica, masaya ako na nandito ka ngayon sa family dinner namin. Para ka na rin kasing pamilya namin at ang tagal na rin namin na hindi ka nakita at nakausap,” nakangiting sabi ni Mommy kay Ate Nica. May family dinner kami dito sa bahay ngayon at nandito si Kuya Aiden kasama ang kanyang girlfriend. Si Kuya Caden naman ay late… pero pupunta siya ngayon dito. Tahimik lang ako sa aking kinauupuan dahil hindi ko kayang magpanggap na masaya ako dahil hind