CHAPTER 23

1324 Words
Narito kami ngayon sa tapat ng bahay.May mga upuang gawa sa semento na pinatungan ng mga malalambot na unan,may lamesang Bilog na babasagin.Dahil sa napapalibutan ng magagandang bulaklak ng rosas ang bahay na ito ay kahit saang sulok ka talaga pumwesto ay masasabing masarap magpahinga o mag relax sa lugar na ito.Nakaka refresh! Gaya ng sinabi ni carl ay siya nga talaga ang namili ng alak.May galit talaga ang lalaking ito dahil ang pinili nito ay matapang na klase ng alak na gaya ng sinabi ni shane saakin kanina.Gusto kong tumutol kaso nag aalinlangan akong magsalita dahil baka barahin ako nitong si carl. "Its your turn." sabi ni carl.Siya ang taga salin ng alak sa baso namin ni jake.Nag request akong ibang baso nalang ang gamitin ko pero tumanggi itong si carl na sinang ayunan naman ni jake.Kinuha ko ang basong kakasalin lang niya ng alak at mabilis na ininom.Nakakadalawa palang ako pero talagang masabi kong napakatapang nito.Halos gumuhit sa lalamunan ko iyong init at pait sa lalamunan ko pababa sa tyan ko. "Ano kaya pa?haha." tanong ni jake saakin ng maubos ko iyong laman ng baso.Sobrang init sa katawan ng alak na ito na sa tingin ko,makalimang tungga lang ako ay hindi malabong malasing agad ako. "ouch! hon naman eh." binatukan kasi ito ni shane kaya napangiti ako. "Tawa ka kasi ng tawa kanina kapa eh.kapag yan nalasing naku kayo din mag aalaga sakanya buntis ako diko yan mabubuhat mga pasaway." sabi nito na nakapagpatawa saakin ng mahina.kasama namin itong nakaupo dito at umiinom pero gatas ang kanya na gaya ng sinabi ni jake kanina.Napakarami ding pagkain sa harapan namin samantalang kakatapos lang namin kumain, Sino ang kakain ng mga ito kapag hindi naubos,sayang ang dami kasi. "Don't worry shane,mag cocontrol ako hanggang 5 tagay lang ako." sabi ko ng nakangiti. "At Sino may sabing hanggang 5 ka lang ng inom?walang limit dito." singit nanaman nitong si carl.sinamaan ko ito ng tingin pero nakipagtitigan lang din ito. "Ano bang problema mo!?kung malakas ang tolerance mo sa alak,pwes wag kang mandamay! lumaklak ka o magpakalunod kung gusto mo.Hindi naman ako gaya mo.ang tapang tapang ng alak na pinili mo!" sa inis ko ay bulyaw kong sambit. "Hey easy ayan nanaman kayo eh.asot pusa hahaha." sabi ni Jake na patawa tawa. "Hayaan mo na siya bro,talaga namang matapang ang alak na pinili mo baliw ka talaga." dugtong nito. "Okay fine!"sabi nito na halata ding naiinis.si shane ay busy lang sa pagkain habang nakasandal sa dibdib ni jake. Pangatlong tagay ko na at halos maduling na ako.Parang gusto ko ng masuka ng masilayan kong ako nanaman ang iinom.Gusto ko ng umayaw.ibinababa ni carl sa harap ko iyong baso na mataman ko lang tinitigan.Napatingin ako sa gawi ng mag asawa at nagbabakasaling makahingi ng tulong Kay Shane para pahintuin na ako pero bigo ako dahil naglalampungan ang dalawa.Napalunok ako habang titig na titig sa basong may lamang alak. Napakunot noo ako ng may mapansin ako,kahit hindi sabihin kong tamado na ako ay alam ko parin kung nilalamangan ako o ano.Napansin kong parang tumaas ang label ng alak sa baso.Hindi ganito karami kanina ah!?binalingan ko ng tingin itong si carl.Nakangisi itong pinagmamasdan ako na tuwang tuwa pa ata sa itsura ko. "Ano tititigan mo nalang ba yan?naku iinom pa kami ni jake oh.bagal naman." sabi nitong nakangisi at prenteng sumandal sa upuan saka ipinatong ang dalawang kamay sa likod ng ulunan.inaasar ba ako nito!? "Uy wag mo ngang madaliin si lali carl.kita mong namumula na ang mga pisngi niya oh.batuhin kita dyan eh." singit ni shane.Hindi ko alam na namumula na pala ako kaya ng sinabi niya iyon ay mabilis akong napahawak sa pisngi.nakakahiya! "Hanggang limang inom na nga lang siya eh.pang apat na niya yan isa nalang at pwede na siyang huminto at magpahinga." halatang inis ito sa tono palang ng pananalita pero nakangisi nanaman.Maisip ko palang na inumin ang nasa harap ko ay naduduwal na ako "Ayan na iinumin ko na.nagmamadali? nagmamadali?!" irita kong sabi.tumawa naman si jake at mabilis na siniko ni shane.Di bale after ko inumin ito ay isa nalang at tapos na.bakit kasi sinabi ko pang limang tagay hindi ko naman pala kaya.tsk! Pagkalunok ko ng alak ay napabagsak ang pag lapag ko sa baso,hindi ko intensyong ibagsak iyon talagang bumigat lang ang pakiramdam ko at heto ngat hilong Hilo na ako.Napahawak ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko masusuka na ako.Nagtawanan naman ang tatlo.nakakainis!one more left at talagang dederetso agad ako sa banyo. Napakabilis ng pag inum ng dalawang ito tapos kung titignan ay parang wala lang sakanila.Napadungo ako sa babasaging lamesa dahil sa pagkahilo.SHIT!Napaangat ako ng mukha ng marinig ko ang pag lapag ng babasaging baso sa harapan ko.shit it's my turn again!?Napahawak ako sa noo ko ko at simpleng hinilot nagbabakasaling mawala kahit konti ang hilong nararamdaman ko pero walang nangyaring pagbabago.Napatingin ako Kay Carl na nakangisi.ganun din si jake habang si shane ay iling iling na napapabuntong hininga. Last na ito kaya after nito tapos na.mabilis akong umayos ng upo at hinawakan ang baso.Napatingin ako sa laman at this time ay napuno na ng tuluyan ang baso ng alak. "Dinadaya niyo ako!ba-bakit puno ito!?"tanong ko. "Oo Hilo ako,tamado ako pero wala namang ganituhan nasusuka na ako eh!"inis kong sabi.Alam kong pulang pula na ang buo kong mukha dahil sa bigat ng pakiramdam ko dala ng alak. "Last mo na yan kaya wag kang umangal." sabi ni carl.ito ba ang ganti mong hayop ka!? masama ko itong tinignan.Hindi ko nga alam kung kaya ko paba itong inumin.baka nga kahit huli na ito ay tuluyan naman na akong mawalan ng ulirat dito. "Sige na lali,inumin mo na yan para makapagpahinga kana."sabi ni shane. "hon naiihi ako." sabi nito at bumaling sa asawa. "Okay.samahan ko muna si shane Carl.Lali inumin mo na yan para dumeretso kana sa banyo kanina kapa sukang suka eh haha." Hindi ko magawang makipagbiruan dahil nahihilo na talaga ako.Naglakad na sila papasok ng bahay ni carl. mahigpit kong hinawakan ang baso.Bakit kung kelan huli na ay tila hindi ko pa magagawa.Pumikit ako at mabilis na tinungga ang punong punong alak sa baso.Napatutop ako sa bibig at sa pagkakataong ito hindi ko na kaya.Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa di kalayuan.Suray Suray akong naglalakad.Gusto ko na talagang magsuka kaya ng hindi ko na napigilan pa ay nagsuka na ako ng nagsuka.Lalo akong nahilo feeling ko mabablangko narin ako. Gusto ko ng humiga pero hindi ko na halos mailakad ang mga paa ko.Balak ko ng umupo at mahiga nalang dito kahit pa sa tabi ng suka ko dahil ang gusto ko lamang sa ngayon ay makahiga at maipahinga ang utak na hilong Hilo.Itinukod ko ang mga kamay sa tuhod ko at akmang luluhod na pero hinawakan ako sa kamay at bewang at mabilis na binuhat.sa sobrang Hilo ay napasandal nalang ako sa dibdib. Hilong Hilo ako pero kahit ganun pa man ay pinilit kong iminulat ang mata at tinignan kong Sino ang taong ito.Hirap man akong kilalanin ito ay nakakasiguro akong si carl ito at napapikit nalang muli ng kusa ang mga mata. "I'm sorry." sabi nito habang nakapikit ako.Buhat buhat ako nito.Hindi ko na magawang dumilat pa.Hindi ko rin alam kung totoo bang nagsosorry ito o lasing lang talaga ako. " saakin ka lang.saakin lang." Hindi ko na narinig pa ang dinugtong niya dahil tuluyan ng nablangko ang isip ko sa kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD