CHAPTER 1

1282 Words
Noong unang bwan kong tumuntong dito sa Canada ay halos para akong mababaliw sa pagka miss sa nanay at dalawa kong kapatid.wala na ang aking tatay kaya ako ang tumatayo bilang haligi.Binibigay ko ang mga pangangailangan nila kaya todo kayod talaga ako kaya nang may oportunidad na makarating dito ay agad ko itong sinunggaban. Ngayon ay mag dalawang taon na ako dito sa Canada.Hindi ko na talaga kaya ang pangungulila sa pinas.Bigla kong naalala ang kaibigan kong si shane.mAtagal tagal ko ding hindi ito nakausap.Naisipan kong tawagan si nanay baka sakaling alam nito ang contact number ng kaibigan ko. "Hello nay?" nang sagutin niya ang tawag ko. "Oh anak buti at napatawag ka." "Namiss kita eh masama ba?" habang napapangiti ako. "Wag mo nga akong ginaganyan diba kakausap lang naten kaninang umaga?" si mama talaga hindi marunong makisakay haha "Hahaha bakit purke ba tumawag na Dina pwedeng umulit?sige mag ganyan ka ma at talagang di kita uuwian ng pasalubong." pang aasar ko pa.ALAM ko ang ugali ng nanay ko kaya sa tuwing kausap ko ito ay talagang napapasaya niya ako. "Sus tinakot mo pa ako eh alam ko namang hindi mo ako matitiis hahaha" natawa narin ako sa sinabi ng nanay kasi totoo naman ang sinabi niya na hindi ko ito matitiis. "Hahaha okay you win.ma nga pala namasyal naba ulit si shane diyan sa Lugar naten?" "Ay oo anak,pero sumaglit lang siya.Alam mo bang nag asawa na siya?" "Ha?talaga ma?diko na kasi siya nakausap simula ng mapunta ako dito sobrang busy kasi kaya sana tatanungin kita kung sakaling malaman mo iyong number niya ay ibigay niyo saakin ng makamusta ko naman iyong babaeng iyon."nabigla ako sa sinabi ng nanay na kinasal na ito.buti naman at nakahanap na ng makakasama sa buhay iyong babaeng iyon.Napangiti ako sa isipang baka nga pag umuwi ako ay may anak na itong karga hehe. "Oo anak.naku napakaswerte ng kaibigan mong iyon.sobrang yaman ng napangasawa at ubod ng gwapo." halata nga boses palang ni mama ay iisipin kong naiinggit ata ito. "Mabuti naman ma.bakit inggit ka?hahahaha" "Nagtanong kapa talaga?!malamang oo,paano ba naman kasi iyong iba diyan ayaw pang magpakasal." halata namang ako ang pinupuntirya niya eh kaya napatawa ako ng malakas. "Hahaha ikaw ata iyon eh tapos sinasabi mo pa saakin.ahahaha" patuloy ko sa pang aasar. "Abat!loko ka talagang bata ka!bakit ba kasi ayaw mo pang mag asawa?" napaikot nalang ako ng mata sa ere. ito nanaman kasi siya.AKO nga diko iniisip iyon eh kung totoosin tanggap ko naring magiging matandang dalaga ako kesa naman makatagpo ako ng maling lalaki.wag na uy! "Dimo inaayos tanong mo ma alam mo ba iyon?paano ako mag aasawa eh nobyo nga wala ako tapos pakasal iyang sinasabi mo.mag I I do naba ako sa hangin hahahaha" naiisip ko palang mukha ni inay habang kausap ko ito ay natatawa na ako. "Bakit wala ka parin bang nakikilala diyan na magiging nobyo mo?maganda ka naman at marami nagkakagusto saiyo bakit neh isa wala kang sinagot?" "Hay naku ma.lagi mo nalang tinatapik iyan nakakabingi na kaya." "Hindi mo man lang ba naisip na mapapasaya moko ng husto kapag nagpakasal kana?abat lalagpas kana sa kalendaryo pero heto ka at wala pang nagiging nobyo kahit isa!paano pa ako magkakaapo niyan?!?" Makasabi naman si mama oo alam ko I'm 29 dipa naman lalagpas ng kalendaryo iyon dahil my 31 sa ibang bwan haha.Tama kayo kaka 29 ko palang.mas matanda saakin ang kaibigan kong si shane ng dalawang taon saakin pero pag magkasama kami ay parang ako pa iyong mas matanda kung magsalita sakanya. "Ma, diko iniisip iyan.andyan naman si vica na tatlong taon lang ang agwat saakin,andyan din si mina.sila nalang ang paanakin niyo wag ako." dahil wala talaga akong balak.sila lang sa buhay ko ay sapat na. Hindi ko kailangan ng lalaki para lang guluhin ang maayos kong buhay. "Pasaway kang bata ka! naturingan ka pa namang ate sa mga kapatid mo pero ikaw pa itong bugaw!" hala mukang nahighblood si mama sa nasabi ko. "eh binubugaw mo rin naman ako eh hahaha." "Naku lali kung nandito ka lang sa tabi ko talagang nabukulan na kita." napatawa tuloy ako sa sinabi niya. "Galit kana niyan ma? sayang binilhan pa naman kita ng maraming pabango at magagandang damit.haha" "Ewan ko sayo.sa kagustuhan kong magkaapo na saiyo ay minsan iniisip kong ipabuntis nalang kita ng sapilitan eh haha." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng sarili ko mismong nanay.Alam kong nagbibiro ito pero diko enexpect ang sinabi niya. "Ma!" napataas tuloy ang tono ng boses ko sa pagkabigla. "Ang sama mo saakin." pagtatampo ko na ikinatawa ng inay "Biro lang anak.hinding hindi ko magagawa sainyo ang bagay na iyon lalo na saiyo.BAKA makapatay pa ako." "I love you ma." sabi ko na tila nawala sa kabilang linya ang inay kaya tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero okay pa naman. "Ma?nandyan kapa?" dugtong ko dahil tahimik sa kabilang linya. "I love you too anak." maya maya ay sagot niya at tila umiiyak ito dahil naririnig ko itong sumisinghot singhot ng mahina. "Umiiyak ka ma?bakit?sorry kung pasaway ako tumigil na kayo sa pag iyak.diko naman kasi iniisip ang mga bagay na iyon dahil kayo lang sa buhay ko ay sapat na." bigla akong nakaramdam ng kunsensya lalo na ng marinig kong tuluyan na itong humagulgol. "IKAW kasi eh.miss na miss kana namin ng mga kapatid mo tapos ganyan kapa." pagtatampo niya "sorry ma hayaan niyo at malapit na akong umuwi magkakasama sama na tayo at never na talaga akong babalik dito." iyon talaga ang balak ko dahil may ipon narin naman na ako.Balak kong ipagpatayo ng sarisari store si inay at bumili ng maliit na lupa na pwede niyang taniman ng mga ibat ibang klase ng gulay.Mahilig kasi ito sa pagtatanim.WALA rin akong sinasabi tungkol sa plano kong ito dahil gusto ko itong masurpresa. Naputol na ang usapan namin nang magpaalam ako baka kasi mas lalo ko pa siyang mapaiyak hehe.Nag ayos na ako para makauwi sa inuupahan ko dito sa Canada.Hinihintay ko nalang ang kapalitan ko dito para mag duty at makakauwi na ako. "Lali bukas order ako saiyo ng tatlong balot ng dinuguan ha at limang adobo." sabi ng kapwa ko nurse. "copy!" Tumango ako at ngumiti.Isa ito sa iba ko pang pinagkakakitaan ang pagluluto ng mga ulam.Nung una ay sinubok ko lang kasi naisip ko na baka namimiss nila ang ibang pagkain sa pinas kasi halos kasamahan ko dito ay pinoy gaya ko.Sa unang try ko ay halos hiya hiya pa akong mag alok sa mga tinda ko pero nang magtagal ay hindi ko inaasahang araw araw nilang hahanapin ang luto ko.Masarap daw akong magluto.isa iyon sa hobbies ko kaya masabi kong masarap talaga.Kahit nga mga foreigner dito ay napapakain ng luto ko.Ito rin ang madalas na dahilan kung bakit ako nalalate. Madalas akong mapagsabihan pero ako na matigas ang ulo ay sige parin.sayang benta. iyon ang lagi kong sinasabi kaya sige parin ako ng sige dahil para ito sa pamilya ko. "Me too! tig isang balot.uy gusto ko iyong gawa mong sandwich sabihan moko agad kapag gagawa ka ulit nun ha at oorder ako." singit din ng isa ko pang katrabaho. Thank you Lord for the blessings! sigaw ng utak ko habang naglilista ng mga order ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD